Recycled bottles ang gamit ni Dimples Romana sa pagtuturo nitong magtanim sa kaniyang anak!



Si Dianne Marie Romana Ahmee ay 35 taong gulang na aktres, modelo, at endorser. Siya ay matagal na ring nagsimula sa industriya ng show business at hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang kaniyang pangalan. Ngunit kamakailan lamang nang mabigyan siya ng pambihirang pagkakataon na mas lalo pang makilala nang publiko.



Ito ay matapos niyang gampanan ang karakter ni “Daniela Mondragon–Bartolome”. Siya lang naman ang kontrabida sa buhay ni “Romina Mondragon” na ginagampanan ni Beauty Gonzales sa hit teleseryeng “Kadenang Ginto”. Tunay nga na isa siya sa pinakahinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon ngunit bukod sa pagiging isang mahusay na aktres ay isa rin siyang mapagmahal na ina at asawa sa kaniyang pamilya.




Hinahangaan nga ng publiko ang paglalaan nito ng oras sa kaniyang pamilya kasabay nang kaniyang pagtatrabaho bilang isang aktres. Sa kaniyang post sa Instagram ay makikita ang ginawa nitong pagtuturo sa kaniyang anak na si Alonzo kung paano nga ba magtanim. Naging bonding ng mag-ina ang pagtatanim ng mga halaman sa mga recycled bottles.




Tunay nga na makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa social media ang kagalakan nilang mag-ina sa kanilang naging bonding experience. Ayon pa sa Kadenang Ginto star marapat lamang na turuan ang mga bata sa mura nilang edad na makapag-recycle din ng mga lumang bagay upang kahit papaano ay makatulong din sila sa Inang Kalikasan. “Reduce, Reuse, Recycle” ang isa sa mga mabisa at epektibong paraan upang makatulong sa ikaayos ng ating kapaligiran.




“Starting them young. Back to basics kami, Reduce, Reuse and Recycle. Using our old (brand ng isang sikat na soft drinks) bottles sa bahay and making them into planters, super enjoy si Alonzo sa activity namin ngayong umaga. Just cut up the half portion of the 1.5 bottles, get tiny plants of your choice and lupa mula sa bakuran. One of the best and most meaningful simple bonding activities we’ve done at home encourage our children that even through simple and little ways we can help take care of Mother Earth magandang umaga mula sa aming tahanan!,” ito ang naging caption ni Dimples sa kaniyang Instagram post.






error: Content is protected !!