Artistahin din pala ang hitsura ng nakatatandang kapatid na ito ng aktor na si Joshua Garcia na pumukaw sa atensyon ng publiko!



Si Joshua Espineli Garcia ay 22 taong gulang na aktor, endorser, at modelo. Siya ay mas nakilala pa sa kaniyang natatanging pagganap sa Kapamilya primetime series na “The Good Son” at sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na “Vince and Kath and James.” Bago pa man siya makilala sa industriya ng show business ay naging isa na siya sa mga naging kalahok ng reality show na Pinoy Big Brother ng Kapamilya network.



Isa siya sa mga naging matagumpay na housemates sa PBB bagamat hindi siya tinanghal na Big Winner ng programa. Mas naging maugong pa ang kaniyang pangalan at ang husay nito sa pag-arte nang makatambal niya si Julia Barretto. Talaga namang minahal at tinangkilik ng publiko ang tambalan nilang “JoshLia”.


Ngunit bago pa man niya makamtam ang lahat ng tagumpay na ito ay wala na siyang sawang sinusuportahan ng kaniyang pamilya. Kamakailan lamang ay nakapukaw din sa atensyon ng publiko ang ate ni Joshua na talaga namang ubod din ng ganda.



Kahit pa nga isa na rin ina ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Lorenza at hands-on pa rin ito sa pagtulong sa kaniyang kapatid na si Joshua. Siya ay nagtatrabaho bilang isang “tech dermatologist” sa isang skin cosmetic clinic. Ang kaniyang munting anghel ay nagngangalang Skyler.



Hinangaan ng publiko ang nakatatandang kapatid ni Joshua na talaga namang artistahin din tulad ng aktor. Mayroon ngang ilang mga netizens na nagkomento na maaari din niyang tahakin ang industriya ng show business at tiyak na mayroon din siyang magiging parte dito. Sadyang napakagandang biyaya para sa atin ang magkaroon ng mga taong gagabay at susuporta sa atin. Napakapalad ni Joshua dahil hindi lamang maganda, responsableng ina, at masipag na empleyado ang kaniyang ate kung hindi isa ring napakabait na kapatid para sa kaniya na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kaniya.





error: Content is protected !!