Julia Barretto at pamilya nito nagdiwang ng kanilang Christmas holiday season sa Estados Unidos!



Ang mga Pilipino ang mayroong pinakamahabang panahon ng selebrasyon ng Kapaskuhan. Bawat pamilyang Pilipino ay nagsasama-sama upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Kristo. Sari-saring mga pagkain, regalo, at kung anu-ano pang mga palaro ang ating nasasaksihan sa mga pagdiriwang na ito. Tila ba naging isang “reunion” na ng pamilya ang Pasko. Maging ang mga kamag-anak natin mula sa malalayong lugar ay talaga namang naglalaan ng oras at panahon upang magkasama-sama ang bawat pamilya.



Maging ang mga paborito nating artista ay naglalaan din ng sapat na oras at panahon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa panahon na ito. Katulad na lamang ng Kapamilya actress na si Julia Barretto. Kasama ng aktres ang kaniyang pamilya sa Estados Unidos upang doon sila magdiwang ng Kapaskuhan.


Si Julia Francesca Barretto Baldivia, o mas kilala ng publiko bilang si Julia Barretto ay 22 taong gulang na aktres at talent ng ABS-CBN at Star Magic. Isa siya sa pinakahinahangaang aktres sa telebisyon at pelikula ngayon. Bagamat mayroon siyang kinaharap na matinding pagsubok ng mga nagdaang buwan ay hindi siya nagpatinag at talaga namang mas naging matatag pa siya kaysa dati.


Hindi rin siya iniiwan o pinabayaan ng kaniyang pamilya na labis na sumusuporta at nagmamahal sa kaniya. Umani ng mga positibong reaksyon at komento mula sa publiko ang naging pagsalubong ng pamilya Barretto ng Kapaskuhan sa Los Angeles. Kasama ng aktres ang kaniyang ina na si Marjorie, mga kapatid na sina Claudia, Leon, at Erich. Hindi naman nila nakasama ang kaniyang Ate na si Dani dahil sa sadyang maliit pa ang kaniyang anak at mayroon din silang sariling bakasyon sa Tagaytay kasama ang mister at anak nito.


Narito ang pahayag ni Marjorie Barretto sa kaniyang Instagram post:


“There’s something about Los Angeles na talagang nagbibigay sa aming lahat ng kasiyahan. Ako kasama ang mga bata ay aming ginugugol ang holidays rito ng maraming taon na, almost feels like home. Feeling so grateful today.”






error: Content is protected !!