Pagdiriwang ng simple nina Sharon Cuneta at pamilya nito ng Kapaskuhan, kinabiliban ng mga netizens!



Ang panahon ng Kapaskuhan ay hindi lamang tungkol sa magagarbong handaan, sari-saring mga pagkain at inumin sa hapag-kainan, magaganda at bagong mga damit o hindi mabilang na mga regalo bagkus ito ay ang ating paggunita at pagdiriwang ng kapanganakan ng ating tagapaligtas na si Hesus. Tunay nga na ito rin ang panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan, at pakikipagkapwa-tao.



Marahil ay akala natin karamihan sa mga pamilyang Pilipino ay naghahanda ng enggrande o magarbo tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Lingid sa ating kaalaman ay mayroon din palang mga sikat na personalidad o mga artista na mas ninanais na simple lamang ang maging pagdiriwang nila ng Noche Buena. Isang magandang halimbawa na marahil ang pamilya ni Megastar Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.




Naging simple lamang at payak ang kanilang pagsalubong sa Kapaskuhan ngunit ito ay talaga namang napakaespesyal dahil sa kumpleto ang kanilang pamilya. Nagbahagi ng ilang mga larawan sa social media ang batikang mang-aawit kasama ang kaniyang mga anak at mister na si Kiko habang sila ay kumakain at nagbibigayan ng mga regalo sa isa’t-isa. Naghanda sila ng Turkey, roast beef belly, mashed potatoes, devil’s egg with smoked salmon, Paella, at pork ribs na pinagsalusaluhan habang mayroong Christmas vibes na music na maririnig sa kanilang tahanan.




Matapos nito ay nag-enjoy din ang bawat isa sa palitan ng kani-kanilang mga regalo. Maging ang bunsong anak ng Megastar ay may inihandang regalo para sa kaniyang mga ate na talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens. Masayang masaya ang buong pamilya sa naging simpleng pagdiriwang nila ng Kapaskuhan. Tunay nga na wala nang hihigit pa sa pagkakaroon ng masaya at kumpletong pamilya para sa Kapaskuhan.




Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 53 taong gulang na mang-aawit, aktres, at television host. Isa siya sa pinakahinahangaang personalidad sa telebisyon at pelikula hanggang sa ngayon. Sa katunayan ay hindi na nga bababa sa 40 bilang ng mga album ang nai-produce niya sa kaniyang musical career. Taong 1996 nang ikasal siya sa mister na si Francis Pangilinan. Mayroon siyang apat na anak sina KC Concepcion, Frankie Pangilinan, Miel Pangilinan, at Miguel Pangilinan.






error: Content is protected !!