Viral video ng mag-inang Izzy Trazona at anak nitong si Andrei patok na patok ngayon sa social media!



Sa bilis ng panahon ngayon ay hindi na natin namamalayan ang paglipas ng bawat taon at ang maraming mga pagbabago sa ating kapaligiran. Maaaring ang dating bukirin na ating nadadaanan pa noon ay napalitan na ng mga establisyemento o di kaya naman ang dating bakanteng lote na ating pinaglalaruan noong mga bata pa tayo ay mayroon nang nakatirik na bahay. Madalas marami ang nalulungkot sa ganitong mga pagbabago sa paglipas ng panahon. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa din namang mga magagandang pagbabagong naidudulot ang paglipas ng panahon.



Katulad na lamang ng labis na pagkamangha at pagkabilib ng maraming mga netizens nang mapanunod ang mahusay na pagsayaw ng dating SB member na si Izzy Trazona kasama ang kaniyang anak na si Andrei. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang dating napapanuod lamang natin sa sikat na programang Eat Bulaga ay mayroon na pa lang binatilyong anak!


Umani ng napakaraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang nakakabilib na pag-indak ni Izzy at ng kaniyang anak sa saliw ng tugtog na “Macarena” at ang patok na patok na dance cover ngayon na “Tala” at mayroon nang higit sa isang milyong mga views.


Maraming mga netizens ang hindi makapaniwalang napakahusay din pa lang magsayaw ng anak ng dating kilalang mananayaw. Ilan pa nga sa mga netizens ay hindi napigilang alalahanin ang nakaraan kung saan bata pa si Izzy at miyembro pa siya ng isang sikat na grupo.



Ngunit sa kabila nito ay labis din siyang hinahangaan dahil kahit pa nga maraming taon na ang lumipas ay tila hindi pa rin nababawasan ang kaniyang angking kagandahan, at talento. Hindi rin nakaligtas sa puna ng publiko ang balingkinitan pa ring pangangatawan nito katulad ng dati kahit pa nga siya ay hindi na dalaga. Nagsilbi siyang inspirasyon sa maraming mga magulang na mas alagaan ang kanilang kalusugan at pangangatawan.