Categories: Viral

Bata na naulila ng kaniyang mga magulang ayaw pang umuwi at panay pa ang laro sa puntod ng mga ito!

Sumapit na naman ang Kapaskuhan na pinakahihintay ng marami sa atin. Panahon na naman ng pagsasama-sama at pagba-bonding ng mga pamilya. Maraming mga pagkain sa hapag-kainan, sari-saring mga regalo, at pamasko para sa bawat miyembro ng pamilya.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lahat ng tao ay masaya sa pagsapit ng Kapaskuhan dahil ang ilan sa mga ito ay nakaranas ng napakatinding kalungkutan dahil sa pagkawala o pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. Ngunit ang mas nakakalungkot pa dito ay ang pagkawala ng mga magulang ng isang anak nang ito ay musmos pa lamang at wala pang kamuang-muang. Ito ang nakakalungkot na sinapit ng isang bata sa Malaysia.

Ayon sa tiyuhin ng dalawang taong gulang na batang lalaki na nakilala bilang si Azuan Shamsuddin ay naulila ang kawawang bata ng kaniyang mga magulang sa isang aksidente. Sa murang edad ay nangungulila na ang batang ito sa kaniyang mga magulang at laking pagtataka niya kung bakit hindi pa umuuwi sa kanilang tahanan ang kaniyang ama at ina. Ang pagkawala ng kaniyang mga magulang ay talaga namang napakahirap ipaliwanag sa murang edad ng bata. Labis na niyang namimiss ang kaniyang mga magulang lalong lalo na ang kaniyang mahal na ina.


Isang araw ay dinala ng tiyuhan ang dalawang taong gulang na si Arfan sa puntod ng kaniyang mga magulang. Hirap silang ipaintindi sa bata na hindi na magbabalik pa ang kaniyang mga magulang sa kaniyang piling kung kaya naman nang sinabihan ang bata na doon na naninirahan ang kaniyang mga magulang ay tila ba nakaramdam ito ng kakaibang sigla at nalimutan ang kaniyang pangungulila at kalungkutan. Dagdag pa ng tiyuhin ay hindi madalas maglaro ng buhangin ang kaniyang pamangkin sa kanilang bahay kung kaya naman laking gulat nito ng masayang naglaro ang bata sa puntod ng kaniyang mga magulang. Sa ngayon ay ang lolo at lola ng bata ang nag-aalaga sa kaniya dahil sa maagang paglisan ng kaniyang mga magulang. Kahit pa nga wala na sila ay patuloy pa ring dadalhin ng kaniyang tiyuhin ang bata sa himlayan ng kaniyang mga magulang.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago