Driver ng jeep inakalang kinahihiya siya ng kaniyang mga anak dahil sa kaniyang trabaho, hindi niya alam ay proud na proud ang mga ito sa kaniya!



Ayaw ng ayaw ng tatay na ito na makuhanan ng larawan kasama ang kaniyang mga anak dahil sa natatakot siyang malaman na nahihiya ang kaniyang mga anak sa kaniyang trabaho. Ngunit laking gulat na lamang niya nang malama na hindi siya kailanman kinahiya ng kaniyang mga anak bagkus ay mahal na mahal siya ng mga ito ay ipinagmamalaki siya ng husto. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang larawang ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Anne Ben kasama ang kaniyang kapatid at ang kaniyang ama na kuha sa isang shopping center. Agad itong nag-viral sa social media at umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko.



Ang dalawang dalagita sa larawan ay kapansin-pansin dahil sa kanilang magandang kasuotan kung kaya naman nagdalawang-isip agad ang kanilang ama na magpakuha ng larawan dito dahil sa suot suot pa niya noon ang kaniyang uniporme bilang isang jeepney driver. Ngunit para sa dalawa niyang anak ay isa siya sa pinakamasipag na taong nakilala nila dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyagang maitaguyod silang mga anak niya. Talaga namang proud na proud at mahal na mahal ng kaniyang mga anak ang nasabing driver.

Maraming mga netizens ang nagkomento at pumuri sa mga dalagang ito dahil hindi lamang maganda ang kanilang mga hitsura o ang kanilang panglabas na kaanyuan bagkus ay mayroon din silang busilak na kalooban. Kung mayroong ibang mga kabataang ikinahihiya ang trabaho ng kanilang mga magulang kahit pa nga sabihing ito ang bumubuhay at sumusuporta sa kanila ay nakakamangha pa ring malaman na mayroon pa ring mga anak na katulad nila.


Nakakatuwang malaman na tagumpay ang kanilang mga magulang sa pagpapalaki sa kanila na hindi lamang puro materyal na bagay ang mahalaga kung hindi ang mga bagay na hindi nabibili ng pera, ang pagkakaroon ng mabuting kalooban. Napakagandang inspirasyon ng pamilyang ito para sa maraming mga pamilya ng Pilipino.




error: Content is protected !!