Kris Bernal nagpasalamat sa kaniyang nobyong si Perry Choi sa labis na pagmamahal nito sa kaniya!



Si Kristine Ann Tan Bernal ay 30 taong gulang na aktres na una nang nakilala sa ikaapat na season ng reality-based talent search ng GMA Network na StarStruck. Hinangaan ng marami ang kaniyang natatanging pagganap bilang si Rosette at si Nimfa sa programangn “Impostora”. Siya ay ipinanganak noong ika-17 araw ng Mayo taong 1989 sa Quezon City.



Isang Tagalog ang kaniyang ama na si Edgardo Bernal habang Tsina naman ang kaniyang ina na si Analyn Tan. Mayroon siyang mga nakatatandang ate na kambal: sina Kathleen Ann at Katherine Ann at isa pang nakababatang kapatid na lalaki na nagngangalang Miguel. Nag-aral siya sa Diliman Preparatory School at Holy Family School. At kumuha namang ng kursong “nursing” sa Trinity University of Asia.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ito sa kaniyang social media account ng sweet message nito sa kaniyang nobyo na si Perry Choi. Ang magkasintahan ay tatlong taon nang nasa isang relasyon. Bagamat noon ay nais maging pribado ni ng Kapuso actress sa kaniyang buhay pag-ibig ngayong 2020 ay tila mas nais nitong ipahayag at ipagmalaki sa publiko ang kanilang pagmamahalan. Para sa bagong taon ay nagbahagi si Kris ng mahabang mensahe para sa kaniyang minamahal. Labis itong nagpasalamat sa kaniyang nobyo dahil sa pagiging mapagmahal nito at supportive sa kaniya sa kabila ng kanilang mga pinagdaang noong nakaraang taon.


“I want to thank you for the endless things you do for me and for everything that you are, @choi.perry . For loving me endlessly, honestly, constantly, completely, with all your heart, mind, and being! Seriously, I can just count in my fingers our ‘tampuhans’ this year! 3 out of 365 days? No major major! I want to thank you for enduring the emotional roller coaster of my 2019. For being always there for me.” Ito ang bahagi ng appreciation post ng aktres para sa kaniyang nobyo.


Maraming mga netizens ang kinilig at napa-sana all sa magkasintahang ito. Tunay nga na sinimulan nila ang pagsisimula ng kanilang taon ng kanilang wagas na pagmamahalan para sa isa’t-isa.