Yamyang Gucong bumili ng bago at bonggang sasakyan kasama ang kaniyang ama!



William Gucong o mas nakilala ng publiko bilangsi Yamyam Gucong ay 26 na taong gulang na komedyante na una nang nakilala at sumikat nang siya ay magwagi sa reality television series ng Kapamilya network na “Pinoy Big Brother: Otso”. Siya ay ipinanganak noong ika-8 araw ng Disyembre taong 1993 sa Brgy. Anonang sa Inabanga, Bohol.



Bago pa man siya sumubok sa Pinoy Big Brother ay kinailangan na niyang huminto sa kaniyang pag-aaral sa ikalimang baitang upang makatulong sa kaniyang pamilya. Siya ay nagtrabaho bilang kasambahay at taga-deliver ng tubig sa Cebu noon. Agosto 2018 nang sinubukan niyang mag-audition sa “Pinoy Big Brother: Otso”. Enero 2019 nang itanghal siyang grand winner ng nasabing programa.


Naging napakagandang inspirasyon ng kaniyang buhay sa maraming mga Pilipino na walang imposible sa taong nangangarap kahit pa siya ay dumaranas sa ngayon ng matinding kahirapan o pagsubok ay tiyak na makakamtan din nito ang tagumpay. Kamakailan lamang ay nagbahagi si Yamyam ng ilang mga update patungkol sa kaniyang pribadong buhay na talaga namang ikinatuwa at ikinagalak ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta. Ibinahagi ni Yamyam sa kaniyang social media account ang larawan niya kasama ang kaniyang ama nang sila ay bumili ng bagong sasakyan. Talaga namang kapansin-pansin ang napalaking ngiti sa mukha ng mag-ama.


Ilan sa mga dating PBB housemates na nagpahayag ng kanilang pagbati kay Yamyam para sa napakagandang biyayang ito ay sina Kiara Takahashi, Lou Yanong, at Margo Midwinter. Tunay nga na karapat-dapat siyang magkaroon ng mga bagay na mayroon siya ngayon. Dahil hindi lamang siya isang mapagmahal, masipag, at responsableng anak kundi isa rin siya sa mga taong mayroong busilak at mabuting puso. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng ganitong uri ng buhay na mula sa kahirapan at kasalatan sa buhay ay makakaahon sila dahil na rin sa pagsusumikap ng kanilang anak.