Misis, inagawan ng mister ng yaya mismo ng kaniyang anak na malapit din niyang kaibigan!



Hindi madali ang mag-alaga ng isang relasyon, kahit magkasintahan pa lamang ang dalawang tao o di kaya naman ay mag-asawa na mayroon talagang mga problema at pagsubok na kanilang kinahaharap. Mas madali sanang maayos ito kung magtutulungan ang magkasintahan o mag-asawa. Ngunit sadyang mahirap na yatang maibalik pa sa dati ang lahat lalo na kung ang isa na mismo sa kanila ang bumitaw at hindi na nagawa pang isalba ang iniingatan nilang relasyon.

Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng maraming mga netizens ang kwento ng isang Pinay na inagawan ng mister ng kaniyang malapit na kaibigan at tila hindi man lamang nanghinayang sa pamilyang kaniyang masisira. Si Eloraine ay nakapagtrabaho at nakapangasawa sa Canada ng isang Canadian citizen. Taong 2014 nang sila ay magpakasal at biniyayaan sila ng isang anak. Sa pagnanais niyang makatulong sa kaniyang mga kakilala at kaibigan na magkaroon ng magandang buhay sa Canada ay hindi niya inakalang sisira sa kaniyang masayang pamilya.


Napansin niyang nag-iiba na ang pakikitungo ng kaniyang mister sa kaniya dahil mas naging malayo ito sa kanilang mag-ina at mainitin ang ulo habang mas naging malambing ito sa yaya ng kanilang anak at sa kaniyang college friend na si Maria Salvacion Masayon.



Ang mas nakakalungkot pa dito ay nalaman niyang may nangyayari pala sa dalawa habang siya at ang kaniyang anak at nasa kabilang silid lamang sa kanilang tahanan. Umalis ang mag-ina sa kanilang tahanan sa Canada at umuwi dito sa Pilipinas upang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa ngayon ay nagpaplano si Eloraine na makuha ang legal na karapatan ng anak patungkol sa sustento nito sa kaniyang ama na tuluyan nang nahulog at nabaliw kay Maria Salvacion. Nakakalungkot isipin na mayroong mga taong nagagawang makapanira ng pamilya na dapat sana ay tahimik at masayang namumuhay kasama ang isa’t-isa.





error: Content is protected !!