OFW palaboy-laboy na lamang sa lansangan matapos ang 21 taong pagtatrabaho para matulungan ang kaniyang mga kapatid at mapag-aral ang mga pamangkin!



Kamakailan lamang ay umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang ibinahaging post ng isang concerned netizen na nakilala bilang si Aileen Mariquit Sombise. Sa kaniyang post ay nagbigay siya ng payo para sa publiko na huwag kalilimutang maglaan ng panahon, oras, at salapi para sa kanilang sarili dahil hindi nila batid kung ano ang maaaring mangyari sa kanila sa hinaharap. Katulad na lamang ng nangyari sa isang Overseas Filipino Worker na si Ramon.



Ayon sa ibinahaging impormasyon ni Aileen ay nagtrabaho ito sa Saudi Arabia ng halos higit 21 taon. Maganda ang kaniyang trabaho at kumikita ng malaking halaga ng salapi ng mga kapanahunang iyon. Kung kaya naman hindi na nito nagawa pang makapangasawa dahil sa sobrang pagiging abala niya sa upang kumita ng pera at may maipangtulong sa mga kapatid at mapag-aral ang mga pamangkin.


Tunay ngang nakakalungkot isipin na noong kailangan na niyang umuwi ng Pilipinas ay hindi na siya nagawa pang alagaan at arugain ng kaniyang mga dating tinulungan dahil sa wala na siyang kakayanang magtrabaho pa. Sa halip na makapagretiro at makapagpahinga ng maayos sa sarili niyan bayan ay wala ngayon siyang matuluyan at nagtitiis na lamang matulog sa kalye at kasalukuyang mamamataan siya sa Luneta. Maging sa pang-araw-araw na pagkain ay kapos din siya.


Marahil ito ay magsisilbing patnubay at babala na rin para sa iba pang mga OFW o mga taong nagtatrabaho para sa kanilang pamilya na huwag din namang kalimutan na magtira at mag-impok para sa kanilang sarili. Dahil maaari ngang marami ang umaasa sa kanila sa ngayon dito sa Pinas ngunit darating din ang panahon na ang sarili din mismo nila ay aasa sa kanila lalo na sa kanilang pagreretiro.


Hindi ba’t mas mainam na pagkatapos mong makatulong sa iba ay makapagpundar at makapag-ipon ka din naman para sa iyong sarili? Lalo na kung hindi mo rin naman alam ang magiging kinabukasan mo sa paglipas ng panahon.




error: Content is protected !!