Humble beginnings ni Liza Soberano, binalikan ng kaniyang talent manager na si Ogie Diaz



Si Hope Elizabeth Soberano o mas popular sa publiko bilang si Liza Soberano ay 22-taong-gulang na Filipino-American actress, endorser, modelo, at businesswoman. Siya ay labis na hinangaan ng maraming mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo dahil sa kaniyang nakakaakit at nakakamanghang kagandahan bukod pa ang kaniyang natatanging talento sa pag-arte, pagsayaw at pagkanta. Bukod pa sa mga magagandang katangian niyang ito ay talaga namang minamahal siya ng marami niyang mga tagahanga dahil sa mabuting puso nito at sa pagiging masiyahin at palangiti na animo’y anghel na bumaba mula sa kalangitan.


Kamakailan lamang ay binalikan ng kaniyang talent manager na si Ogie Diaz ang kaniyang naging payak at simpleng pagsisimula sa industriya ng show business bago pa man siya maging isang sikat na aktres sa ngayon. Nito lamang ika-apat na araw ng Enero ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang Kapamilya actress at isa na nga sa mga bumati sa kaniya ay ang isa sa pinakamalapit na tao sa kaniyang buhay, ang kaniyang manager na si Ogie Diaz. Nagbahagi sa kaniyang social media account ang batikang komedyante at showbiz reporter ng pinakapaborito niyang larawan nila ng aktres na kuha noon pang 2012.




Ayon pa kay Ogie, ito ang pinakagusto niya sa lahat ng larawan nila ng sikat na aktres dahil dito nagsimula ang lahat. Dagdag pa nito ay naging napakamasunurin at napakabait na bata ni Liza. Nasaksihan niya ang pagiging matiyaga nito sa kaniyang trabaho at pagiging masunurin sa lahat ng kaniyang sinasabi bilang manager nito na tiyak na makatutulong sa kaniyang karera. At hindi nga siya nagkamali dahil sa ngayon ay kilala na si Liza bilang isa sa pinakamahusay at pinakahinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon sa pelikula man o telebisyon.




Lubos ding hinahangaan ni Ogie ang pagmamahal ni Liza sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mahal na lola. Maging ang kaniyang pagiging mabait at mapagpakumbaba ay hindi pa rin nagbabago mula noon hanggang ngayon. Talaga namang kahanga-hanga si Liza dahil hindi lamang siya maganda sa kaniyang panglabas na kaanyuan kung hindi isa rin siyang mabuting tao na mayroong mabuting kalooban.






error: Content is protected !!