Kilalanin ang tinaguriang “Rapunzel” na hindi nagpagupit ng kaniyang buhok ng halos tatlong dekada!



Tinaguriang “real-life Rapunzel” ang 34 na taong gulang na babaeng ito mula sa Odesa, Ukraine dahil sa kaniyang napakaganda at napakahabang buhok na halos abot na hanggang sa lupa dahil sa sobrang haba nito! Siya ay nakilala bilang si Alena Kravchenko na mula limang taong gulang pa lamang ay hindi na nagpagupit o nagpaputol ng kaniyang buhok na ngayon ay nasa 1.8 metro na ang haba.



Talaga namang hinahangaan siya ng publiko dahil sa kaniyang mga magagandang larawan na ibinabahagi niya sa kaniyang Instagram account. Marami ding mga netizens ang nagtataka kung paano niya inaalagaan at kung paano niya pinapanatiling maganda ang kaniyang “crowning glory”.


Sadyang napakalaking responsibilidad din ito para sa kaniya dahil sa haba ng kaniyang buhok. At kahit pa nga sobrang haba na nito ay napapanatili pa rin niya ang kaniyang angking kagandahan. Pahayag pa ni Alena ay hindi niya itinuturing na responsibilidad ang pagkakaroon niya ng napakahabang buhok bagkus ay isang napakagandang biyaya para sa kaniya. Sa murang edad ay naitatak na sa kaniyang isipan ang pagmamahal sa mahabang buhok.


At ngayon nga na ang kaniyang taas ay 5’6” na mas mahaba na rin ang kaniyang buhok na nasa 1.68 metro na ang haba. Ngunit sa kabila nito ay wala pa rin siyang balak na ipaputol o gupitan ang kaniyang buhok. Talaga namang kamangha-mangha ang haba ng kaniyang buhok na nagpapakita din naman ng pambihira niyang pagmamahal dito at ang kaniyang disiplina sa sarili at pagiging responsable.



Narito ang kaniyang pahayag:
“My love for my braid is so strong that for a second in my whole life I did not think about a haircut. I can not see and cannot imagine myself with short hair or dyed in a different color! It’s not hard for me with my hair, nor the constant care of them, it’s all a joy because this is part of me – my beauty and wealth!”Pahayag niya.




error: Content is protected !!