“Love your flaws”: Dimples Romana at anak nitong si Callie “no make-up look” para sa kanilang photoshoot!



Kadenang Ginto star na si Dimples Romana nagkaroon ng napakaganda at kakaibang photo session kasama ang kaniyang anak na si Callie Ahmee. Sa kanyang social media account ay ibinahagi ng aktres ang ilang mga larawan nilang mag-ina na kuha mismo ng celebrity photographer na si Shaira Luna.



Kapansin-pansin ang kanilang magagandang kasuotan sa kanilang mga larawan ngunit mas nangibabaw ang kagandahang natural ng mag-ina na walang nilagay na make-up sa kanilang mga mukha. Ayon kay Dimples, nagustuhan niya ang ideya na walang masamang ipakita ang kanilang mga “flaw” o mga bahid sa kanilang mukha at balat. Hindi rin masamang ipakita ang hindi perpektong ikaw, sugat, peklat o ano pa mang “hindi perperktong” bahagi ng iyong katawan pagkatao ayon sa aktres.


“Bare, up close and real. This year, we embrace all of who we are- scars, wounds, flaws and all. What’s your game plan for 2020?” Pahayag ng aktres.

Pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens ang mga magagandang larawan ng mag-ina ngunit mas hinangaan ng publiko ang pagiging malapit ni Dimples at ng kaniyang anak sa isa’t-isa. Sa iba pang mga post ay nagbahagi din ang aktres ng ilan pang mga larawan nilang mag-ina habang nakasuot ng mga lumang kasuotan. Ipinahayag din ng mapagmahal na ina kung gaano niya kamahal ang anak sa kaniyang appreciation post sa social media.
“Whenever I count my blessings, I always count you twice @callieahmee.” Pahayag muli ng aktres.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa viral photos ng mag-ina:
“Both beautiful and simple without make up.”
“Omg! Napakagandang dalaga! Wala ng baby.”
“Dimples is teaching her daughter that it’s okay not to be perfect and to love her flaws.”



Maaalalang pinagtanggol nito ang kaniyang anak sa mga kaklase nitong nagsasabing iba si Callie sa kanila dahil lamang sa brown na mga nito. Sinasabi nilang isa siyang bampira ang anak na talaga namang dumudurog sa kaniyang puso lalo na at sa paaralan ng anak niya ito nangyayari.




error: Content is protected !!