Netizens labis na namangha sa mga magaganda at kaakit-akit na mga larawan ni Maris Racal!



Sumali siya sa Pinoy Big Brother ng Kapamilya network noong siya ay 16 na taong gulang pa lamang. Siya ay tinaguriang “Singing Sunshine ng Davao”.



Napukaw ang atensyon ng publiko kay Maris Racal o mas kilala ng kaniyang pamilya at malalapit na kakilala bilang si Mariestella C. Racal dahil sa pambihirang talento nito sa pag-awit, sa kaniyang maamo at mala-anghel na mukha at sa kaniyang ipinakitang ugali sa loob ng bahay ni Kuya.


Siya ay lumaki sa Davao del Norte at nagtapos ng hayskul sa St. Mary’s College sa Tagum City. Siya ay ikalimang anak ng kaniyang mga magulang na mayroong anim na mga supling. Pangarap niyang maging isang doktor kung kaya naman pinaplano niyang isabay ang kaniyang pag-aaral sa kaniyang pagkanta, pagsayaw, at pag-arte sa pelikula at telebisyon. Sa ngayon ay nag-aaral siya sa Trinity University of Asia at kumukuha ng Medical Technology degree.


Ang mang-aawit at aktres na ito ay napabilang na rin sa Star Magic matapos niyang maging parte ng PBB. Kalaunan ay ipinakilala na siya bilang isa sa mga miyembro ng all-girl dance group ng “It’s Showtime” na GirlTrend. Nakatanggap na rin siya ng ilang mga pagkilala at parangal dahil sa kaniyang kahusayan. Sa ngayon ay mapapanuod siya bilang si Peachy Mabunga sa family drama series ng ABS-CBN na “Pamilya Ko” na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, JM de Guzman, at Arci Muñoz.


Kamakailan lamang ay labis na hinangaan ng publiko ang mga kaakit-akit at nakakabighaning larawan ng 22 taong gulang na aktres. Talaga namang napakamaalaga nito sa kaniyang kalusugan at sa kaniyang pangangatawan na kitang-kita naman sa kaniyang mga ibinabahaging post sa kaniyang social media account. Malimit na makikitang nag-eehersisyo ito sa kaniyang mga post at maging sa kaniyang YouTube channel. Talaga namang hinihikayat ni Maris ang kaniyang mga followers na mahalin din ang kanilang katawan lalo na ang kanilang kalusugan. Ilan sa mga nakakabighaning larawan ni Maris ay ang kaniyang mga bikini photos na maging ang kaniyang mga kapwa celebrities ay pinupusuan din.