Boss na itinuturing na pamilya ang kaniyang mga empleyado nagbibigay ng dalawang bahay kada taon upang matulungan ang mahihirap niyang tauhan!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang boss na ito dahil sa pagpapamahagi niya ng dalawang bahay sa kaniyang mga mahirap na tauhan kada taon. Bukod pa rito ay nagbibigay din siya ng trabaho para sa pamilya ng kaniyang mga manggagawa. Siya ay nakilala bilang si Zhongming Yu, siya ang Chairman at ang nagmamay-ari sa Anyu Industry Co Ltd sa Guangdong, China. Siya ay tinaguriang “Best Boss of All Time” dahil sa naiintindihan niya ang suliranin ng kaniyang mga manggagawa. Sinisigurado din niya na makapagbigay ng mga trabaho sa mga taong nangangailangan at maging sa kanilang mga kalapit na kamag-anak upang mas maging mabilis ang pag-unlad ng kani-kanilang mga buhay.



Iniimbitahan din niya ang mga magulang ng kaniyang mga manggagawa na nais magtanim sa kaniyang bukirin. Mayroon din siyang ibinibigay na tulong pangkalusugan para sa mga matatanda at batang miyembro ng pamilya ng kaniyang mga empleyado. Ngunit sa lahat ng mga ginawa niyang kabutihan para sa ibang tao ay mas hinangaan ng marami ang pamimigay niya ng bahay sa pinakamahirap na pamilya ng kaniyang mga manggagawa. Paliwanag ng boss na ito ay nais niyang magkaroon ng mas mabuti at mas maginhawang buhay ang mga empleyado niya at ang mga pamilya nila. Kung kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na magbigay sa kaniyang mga tauhan.


“The plan is to provide assistance for some employees in the company who have difficulties within their families, such as caring for children and elderly people at home. The company will give you a house, arrange with the government for your children to go to school. Your wife can work in the company. If the elderly enjoy gardening, they can go to our company’s farm, to plant fruit trees, raise poultry. I just want my employees to have a family. Who wants to drift and drift away (from their families), right?” Paliwanag ni Zhongming.





error: Content is protected !!