Mansyon ang niregalo ng lalaking ito sa kaniyang “adoptive parents” bilang pasasalamat sa wagas na pagmamahal ng mga ito para sa kaniya!



Hindi man siya isinilang sa pamilyang ito ay itinuring siyang hindi iba ng kaniyang nanay at tatay na umampon sa kaniya. Pinalaki siya ng kaniyang mga nakagisnang magulang bilang sarili nilang anak kasama pa ang anim niyang mga kapatid. Kung kaya naman ipinangako ni Jayvee Lazaro Badile II na ibabalik niya ang lahat ng pagmamahal at pagkalinga na pinaramdam sa kaniya ng kaniyang mga magulang.



Nitong nakaraang buwan lamang, Disyembre nang maging usap-usapan sa social media ang kwento ng kanilang pamilya sa social media. Maraming mga netizens ang labis na humanga sa lalaking ito dahil sa wagas din niyang pagmamahal sa kaniyang nakagisnang mga magulang. Nagpasalamat din naman ang kaniyang mga magulang dahil sa sakrispisyo at pagmamahal ng kanilang anak sa kanilang pamilya.


Ayon pa kay Jayvee ay nagkaroon na rin sila ng pagkakataong makarating at makapagbakasyon sa ibang bansa katulad na lamang ng naging bakasyon nila sa Dubai, Australia, at New Zealand. Ngunit ang labis na nakapagpamangha sa publiko ay ang magara nilang mansyon na kumalat din ang ilang mga larawan online. Nagbahagi ng larawan si Jayvee ng simpleng Noche Buena nila noong 2012 at ang naging masaganang pagdiriwang nila nito lamang Disyembre.


Naikwento ni Jayvee na kung noon ay sira-sirang bubong sa Bocaue, Bulacan ngayon ay tatlong palapag na mansyon na ang kanilang tinitirhan. Talaga namang kumurot sa puso ng publiko ang pagmamahal ni Jayvee sa kaniyang pamilya na una nang nagpatuloy sa kaniya noong siya ay bata pa.



Talaga namang nakamamangha ang ganitong klaseng mga kwento na nagpapakita lamang kung ano ang nagagawa ng pagsusumikap, at pagmamahal ng isang tao kadugo man niya o hindi ang mga taong nagmalasakit at nagmahal sa kaniya noong siya ay bata pa at nangangailangan ng pagkalinga, pag-aaruga, at pagmamahal ng mga magulang at ng isang pamilya. Nawa ay marami pang mga tao ang makapulot ng inspirasyon mula sa kwento ng pamilyang ito.




error: Content is protected !!