Bakit nga ba mahirap maging gwapong aplikante sa paghahanap ng trabaho?



Kahit minsan ba ay naisip ninyo ang mga pinagdadaanan ng mga gwapong kalalakihan na naghahanap ng trabaho? Tiyak na maraming mga pag-aaral na nagpapatunay kung gaano kaswerte ang mga lalaking nagtataglay ng gwapong mukha at matipunong pangangatawan. Ang mga ganitong uri ng lalaki ay mas may pagkakataong kumita ng malaking halaga ng salapi, o di kaya naman ay mayroong mas malaking tyansa na makakuha ng mga investors o mamumuhunan sa kanilang negosyo, at higit sa lahat ay mas madaling makakahanap o makakatagpo ng kanilang makakasama sa buhay, ayon sa ilang mga pag-aaral.



Ngunit mayroon din namang ilang pagkakataon kung saan ang mga kalalakihang biniyaan ng angking kagwapuhan ay tila nagsisisi na naging masyado silang gwapo. Isang bago at maliit na pag-aaral mula sa University College London at sa University of Maryland ang nagmumungkahi na mas mahirap para sa mga gwapong kalalakihan ang makahanap ng magandang trabaho sa isang “competitive work environment”. Ang dahilan sa likod nito ay ang pagiging banta ng mga gwapong kalalakihang ito lalo na sa mga taong nag-iinterview o tatanggap sa kanilang trabaho.


Ayon pa sa pag-aaral na ito ay mas may kakayahan at abilidad ang mga lalaking kaakit-akit tingnan kaysa sa mga empleyadong hindi ganoon kagwapo. At tunay nga na mas mayroon silang mas magandang resulta sa kanilang trabaho, mas magandang “job offer”, promosyon, at mas magandang sweldo. Ayon na rin kay Marko Pitesa, study author at assistant professor ng Maryland’s Robert H. Smith School of Business, mas nakakaramdam ng “insecurities” ang mga taong nagha-hire sa mga gwapong kalalakihan kung kaya naman mas naiisipan at mas pinipili nilang hindi na lamang tanggapin ang mga ito sa trabahong kanilang nais pasukan.
Ang kanilang naging pag-aaral ay nilahukan ng 92 hanggang 273 na mga katao. Nagkaroon ng apat na magkakaugnay na mga eksperimento ang nasabing pag-aaral. Ang mga naging kalahok ay sinabihang i-hire o di kaya naman ay pumili sa mga larawan ng mga kandidato na mas kaakit-akit tingnan at yung mga hindi masyadong kagwapuhan.


“In situations where there are subtle or less subtle cues of competition among colleagues, then the fact that attractive men are seen as more competent is going to create a disadvantage for attractive men. I was taken by the fact that people were unaware of their bias”. People make these important job decisions and inferences about how competent people are just based on their physical attractiveness without having the slightest clue that they’re doing that.” Pahayag ni Pitesa.




error: Content is protected !!