Dalawang bata at ama nila naglakad ng 200 kilometro mula sa Batangas patungong Quezon, humingi ng tulong sa mga netizens!



Hindi naging hadlang ang edad ng ama na ito upang maglakad siya ng higit sa 200 kilometro kahit pa nga siya ay 57 taong gulang na mula sa Batangas patungo ng Quezon para lamang makauwi sila ng kaniyang mga anak matapos niyang mawalan ng trabaho. Buti na lamang ay mayroong isang taong nagmagandang loob na tulungan ang pagod nang mag-ama upang makauwi na ng maayos sa kanilang tahanan. Si Crisanto Amican ay mula sa San Narciso sa probinsiya ng Quezon. Nagtungo siya at nakipagsapalaran sa Talisay, Batangas upang magkaroon ng maayos na tirahan at kasama niya rin dito ang kaniyang pamilya.



Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit siya at hindi na nakapasok pa sa trabaho. Ngunit mas naging masakit at mahirap sa kaniya at sa kaniyang mga anak ang naging pag-iwan sa kaniya ng kaniyang asawa. Ang kanilang anak ay edad walo at dalawang taong gulang pa lamang.

At dahil nga hindi na siya makapagtrabaho dahil sa kaniyang kalagayan at hindi rin naman niya maiwanan ang kaniyag mga anak, nagdesisyon ang ama na bumalik na lamang sa kanilang tahanan. Ngunit muli ay isang malaking hamon na naman ang kanilang magiging pamasahe sa kanilang pag-uwi. Kung kaya naman sumakit ng bus ang mag-aama ngunit ang kanilang pamasahe ay aabot lamang hanggang Sto. Tomas, 20 kilometro pa bago makarating ng Talisay. Dahil dito ay binuhat na lamang ni Tatay Crisanto ang kaniyang mga anak at naglakad na lamang sila pauwi. Buti na lamang ay mayroong nadaanan ang mga ito na opisyal ng barangay sa Barangay San Nicolas sa San Pablo City.




Dahil sa kalagayan nila ay hindi na nag-atubili pang tumulong si Breezy Ibarra na nagbigay ng pagkain sa mag-ama at ang ilan pang mga opisyal ay tumulong din sa kanila. Bukod sa makakain ay nagbigay din ang mga ito ng lugar na kanilang matutuluyan pangsamantala. Matapos nito ay tumulong silang makapag-report ang mag-ama sa pulisya at matulungan silang makauwi ng maayos sa kanilang tirahan.


Source: Rachfeed




error: Content is protected !!