Isang 97 taong gulang na mister bumili sa ukay-ukay ng damit na pangregalo sa kaniyang misis!



Marami sa atin ngayon ang natagpuan na ang taong makakasama natin sa buhay. Ngunit mayroon pa din namang iilan na patuloy pa ring naghihintay para sa kaniyang “the one”. Napakalaking pagpapala mula sa Diyos ang makatagpo ka ng taong magmamahal sa iyo ng wagas at makakatuwang mo sa pagbuo ninyo ng masayang pamilya. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila mayroon ding ilang mga relasyong o pagsasamang nanlalamig, at mga pangako na tila hindi na rin matutupad. Nakakalungkot mang isipin pero tunay na nangyayari ito sa ating buhay.



Ngunit kung inaakala nating puro kalungkutan na lamang ang ating mararamdaman sa paglipas ng panahon ay nagkakamali tayo. Dahil kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang isang matandang lalaking ito na kahit pa 97 taong gulang na ay hindi pa rin hinayaan na maging hadlang ang kaniyang edad upang hindi nito regaluhan ang kaniyang mahal na asawa.


Kahit pa nga matanda na ang kamangha-manghang lolo ay alam pa rin nito kung paano pakikiligin ang kaniyang misis. Isang netizen na nakilala bilang si Janina Ulanday ang nagbahagi ng larawan ng matandang lalaki na ito na sa ngayon ay mayroon nang higit sa 121,000 na mga reaskyon at 68,000 na mga shares.


Ibinahagi nito ang naging pakikipag-usap niya sa matandang lalaki na napansin niyang naghahanap ng mga damit pangbabae sa isang ukay-ukay. Umantig sa kaniyang puso ang nalaman na para pala sa misis nito ang hinahanap na damit pangbabae sa nasabing tindahan.


Talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens ang nakakakilig na ginawa ng matandang mister para sa kaniyang mahal na asawa na hinanap at binilhan pa niya ng blouse at palda na pang-alis. Marami ang talaga namang napa-“sana all” dahil kay lolo. Tiyak na marami din sa atin ang umaasa at nanalangin na sana pagdating ng panahon ay magkaroon din tayo ng isang Tatay Gaspar sa ating buhay.






error: Content is protected !!