Bagong trend sa fashion ngayong 2020 patok na patok sa maraming mga netizens!



Makalipas nga ang mahabang selebrasyon natin ng Kapaskuhan at ang pagpasok ng Bagong Taon ay napakaraming mga bagong bagay ang nauuso at pumapatok sa publiko. Ilan sa mga pinag-uusapan ng marami ngayon ay ang mauusong istilo ng buhok para sa mga kababaihan at kalalakihan, mga papatok na kanta, ilang mga pampaswerte at siyempre mga bagong mauuso na mga kasuotan o damit.


Maraming mga kilalang eksperto ang malimit na naglalarawan ng mga papatok na porma ngayong taon malimit na tinatawag silang mga fashion expert. Ngunit bukod sa kanila ay tila mayroon ding “say” ang isang netizen na ito sa pinakabagong fashion trend na mauuso ngayong 2020.



Ang netizen na nagpost ng kakaibang fashion trend na ito ay nakilala bilang si Zhul Alexis na nagbahagi ng larawan ng mauusong porma ngayong taon. Talaga namang umani ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko ang larawan na ito ng babae na tipikal na porma lang naman sama talaga ngunit ang maong na pantalon na kaniyang suot suot ay hindi lamang sa pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan niya suot kung hindi hanggang sa itaas na bahagi na rin o hanggang sa kaniyang kili-kili!


Ang dating maong na pantalon na pangbaba lamang kung isuot ay tila naging isang one-piece na damit na lamang. Ang zipper ng pantalon ay naroon pa din, at mayroon din itong sinturon at bulaklak bilang mga palamuti. Ang nasabing post ay nagkaroon na ng higit sa 2,000 mga reaksyon, 700 mga komento at higit sa 7,400 bilang ng mga shares sa pitong oras lamang na pagkaka-upload nito.


“Super high waist” kung tawagin ito ng maraming mga netizens dahil talagang literal na mas mataas pa ito sa baywang. Mayroong ilang mga netizens ang nagsasabing magiging mahaba tignan ang kanilang mga binti kung magsusuot sila nito habang mayroon namang ilan na nagsasabing wirdo at tila nakakatawa ang ganitong uri ng kasuotan lalo na sa panahon natin ngayon.




error: Content is protected !!