Pre-nup pictorial ng magkasintahang ito sa Cebu nagpabilib sa publiko dahil sa mga eksenang hango sa totoong buhay may asawa!



Ang pagpaplano ng kasal ay hindi isang madaling desisyon sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan dahil bukod sa pagiging handa nila kanilang puso at isipan ay dapat ding handa sila sa kanilang mga magiging pinansyal na pangangailangan magmula sa kanilang kasal hanggang sa magiging bagong buhay nilang magkasama bilang magkabiyak. Maraming mga magkasintahan sa ngayon ang pinipiling mas maging praktikal pagdating sa pagpaplano ng kanilang kasal samantalang ang iba naman ay pinaglalaanan talaga ito ng oras, panahon, at salapi.



Kamakailan lamang ay kinabiliban ng maraming mga netizens ang magkasintahan na ito mula sa Cebu dahil sa kakaiba nilang konsepto para sa kanilang pre-nuptial pictorial. Ang “bride” ay nakilala bilang si Angelie Jean na siya mismong humiling sa kanilang magiging “photographer” na gawing mas makatotohanan at natural ang kanilang magiging pre-nup *****.

At ang naging kinalabasan nga nito ay napakagandang mga larawan na nagpapakita ng tunay na mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng mag-asawa. Ang mahusay na kumuha ng kanilang mga larawan ay si Gail Geriane na nagbahagi ng higit sa 50 mga larawan ng magkasintahang sina Angelie at ang kaniyang fiancé na si Paul Laput.




Ilan nga sa mga larawan ito ay ang pagtuturo ni Angelie kay Paul kung paano maglaba. Mayroon din silang ilang larawan sa kusina kung saan sila nagluto at umiinom ng kape. Mayroon din silang kuhang larawan habang magkasama sila sa isang unibersidad ng Cebu City.



Agad namang pinag-usapan ng publiko ang kanilang mga larawan na nagpapakita ng pagiging simple at pagiging malikhain ng kanilang photographer. Marami din namang mga netizens na nag-tag sa kani-kanilang mga kapareha at minamahal dahil sa pagiging “true to life” ng mga kaganapan sa kanilang pre-nuptial photosh00t.

Tunay nga na hindi naman lahat sa atin ay pulos karangyaan at kayamanan sa buhay ang mas binibigyang halaga dahil mayroon din namang ilang mga tao na mas pinapahalagahan din ang pagiging simple at totoo ng mga bagay sa kanilang kapaligiran at lalo’t higit ng kanilang pagsasamahan.




error: Content is protected !!