Categories: Entertainment

Kapag hindi marunong maningil, huwag magpautang!

Para sa mga hindi nakakakilala o nakakatanda kay Donna Cariaga, siya ang Grand Winner ng “Funny One Season 2” ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Talaga namang pumatok sa publiko ang mga monologo nito patungkol kay “James” na napakarami sa atin ang talaga namang nakaka-relate at labis na tinatamaan sa kaniyang mga banat.

Kamakailan ay muli na naman niyang pinabilib ang marami niyang mga tagahanga dahil sa pambihirang video na kaniyang ibinahagi sa social media na naging usap-usapan na din ng maraming mga netizens.

Sa viral video ni Donna ay makikita ang isang babae na ginampanan ni Donna na nagbabayad sa kaniyang pinagkakautangan at personal pang nagtungo sa bahay nito. Galit na galit ito dahil sa hindi man lamang siya sinisingil ng kaniyang pinagkakautangan kung kaya naman nagkusa na siyang magbayad dito.

Napakaraming mga netizens ang napa-“sana all!” sa ginawang ito ni Donna. Kung sana lahat ng mga taong umuutang ay nakakapagbayad sa oras at nagkukusa at hindi na sana pa magiging dahilan ng away o pag-aalitan ang mga utang na kinakalimutan at hindi na binabayaran pa. Kung mas magiging maagap at responsable ang mga taong pinapautang marahil ay mas magkakaroon ng mabuting pagsasamahan at pagkakaunawaan ang mga magkakaibigan, magkakakilala at magkakapamilyang nangutang at nagpautang.
Narito ang ilan sa mga nakakatuwang komento at reaksyon ng publiko patungkol sa viral video na ito:

“Parang imposible namang may umutang na siya pa ang galit kapag hindi siningil ng nagpautang. Wala pa akong nakitang ganiyan. Pero malay natin, hindi ba?” Pahayag ng isang netizen.

“Naku, sana nga ganiyan ang mga taong may lakas ng loob na humiram ng pera sa kaibigan, tapos kapag singilan na, maraming alibi na lumalabas para lang hindi makapagbayad,” sambit naman ng isa.

“Sana ganiyan lahat ng umuutang, sila pa talaga ang gumagawa ng way para makabayad lang,” komento pa ng isa.

Editor Juan

Share
Published by
Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago