Bossing Vic, Pauleen Luna at Baby Tali masayang-masaya sa kanilang naging bakasyon sa Japan!



Si Marvic Valentin “Vic” Castelo Sotto Sr. o mas kilala ng publiko bilang si Vic Sotto ay 65 taong gulang na aktor, mang-aawit, komedyante, at host. Isa siya sa pinakahinahangaang personalidad sa industriya ng showbiz hanggang sa ngayon. Siya ay mayroong limang mga anak sa kaniyang naunang mga relasyon. Taong 2016 naman nang magpakasal sila ng kaniyang nobya na si Pauleen Luna. Nobyembre 6 naman nang isilang ni Pauleen ang una nilang anak na pinangalanan nilang Talitha Sotto.



Tunay nga na napakabilis lumipas ng panahon at ang kanilang unica hija ay lumalaking matalino at mabait na bata. Sa katunayan nga ay namasyal ang pamilya sa bansang Japan kamakailan lamang at nagbahagi sila ng ilang mga larawan na nagpamangha sa marami nilang mga tagahanga at tagasuporta.


Masayang masaya ang mag-asawa kasama ang kanilang anak at ilan pa sa malalapit nilang mga kapamilya sa naging vacation trip nila sa bansang Japan. Kitang-kita naman sa kanilang mga larawan ang matatamis na mga ngiti ng bawat isa para sa hindi malilimutang bakasyon na ito.


Isa ang kanilang pamilya sa mga pamilya ng kilalang mga artista o personalidad ang talaga namang hinahangaan ng publiko hindi lamang dahil sa husay nila sa kanilang napiling larangan o dahil sa kanilang ambag sa industriya ng showbiz kundi lalo na sa kanilang ipinapamalas na pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.



Talaga namang ang pamilya ay isa sa pinakamagandang regalo na ating matatanggap mula sa Diyos kung kaya naman marapat lamang na ipagpasalamat natin ito sa araw-araw, pahalagahan at mahalin ng buong puso.

Huwag nating kalilimutan na maraming mga tao ang hindi na nakagisnan pa ang kanilang mga magulang o di kaya naman ay hindi na nayakap pa ang kanilang mga anak kung kaya naman hanggang mayroon ka pang pagkakataon ay huwag na huwag mo itong aksayain at balewalain. Iparamdam, ipakita, at sabihin mo sa iyong pamilya kung gaano mo sila kamahal at kung gaano mo sila pinahahalagahan.




error: Content is protected !!