Nakakatouch na mensahe ni Nikki Valdez para sa kaniyang anak na mayroong espesyal na kondisyon umantig sa damdamin ng publiko!



Si Ma. Alinica Valdez Garcia, o mas kilala sa kaniyang “screen name” na Nikki Valdez ay 36 na taong gulang na aktres at mang-aawit. Siya ay mas nakilala pa sa kaniyang “supporting roles” bilang isang kikay na kaibigan sa ilang mga aktres tulad na lamang nina Jolina Magdangal at Claudine Barretto.



Talaga namang hinahangaan siya ng marami hindi lamang dahil sa kaniyang kahusayan bilang isang aktres ngunit dahil sa kaniyang pagiging inspirasyon para sa mas marami pang mga magulang at kababaihan. Lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroong espesyal na kondisyona ng kaniyang anak.


At sa halip na bigyang-pansin niya ang sinasabi ng mga taong mapanghusga sa kanila ay mas nais nitong ilaan ang kaniyang buong puso, buong lakas at pagmamahal sa kaniyang anak na mayroong espesyal na kondisyon.


Unica hija ng aktres ang kaniyang anak na si Olivia Ysabelle. Itinuturing niya itong isa sa pinakamagandang biyayang natanggap niya sa kaniyang buhay ngunit hindi inaasahan ng aktres na magkakaroon ng espesyal na kondisyon ang kaniyang anak. Ang kaniya kasing anak ay mayroong “symbrachydactyly” na isang congenital condition kung saan apektado ang mga kamay ni Olivia. Bagamat hindi naging madali sa umpisa at nakaramdam din si Nikki ng takot at pangamba sa magiging pagtanggap ng mga tao sa kalagayan ng kaniyang anak ay hindi rin naman nawalan ng pag-asa ang aktres at mas naging positibo pa sa kaniyang pananaw sa buhay.


“Minsan, nakaka-amaze din makita na ‘yung dating kinakatakot namin na pagtatawanan at iiwasan siya dahil sa kamay niya, hindi pala. Actually, ang cute nga o,” ito ang naging solusyon ng aktres, sa halip na katakutan ay tinanggap na lang nila ng buong-puso ang kapansanan ng anak.



Ibinahagi ng aktres ang kaniyang nakaka-touch na mensahe para sa kaniyang mahal na anak na talaga namang umantig sa puso ng maraming mga netizens. “Before each day ends, let us never fa!l to let our kids know we love them no matter what and that being different does not mean we are less of a person as long as we continue to do good and be good to others.” Pahayag ng aktres.