Andrea Brillantes ipinasilip sa publiko ang ipinapatayo niyang bagong bahay!



Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa. Hindi lamang dahil sa ating sarili kung hindi para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Tunay nga na ang pagpapatayo o pagkakaroon ng sarili nating tahanan ay isa sa mga investment na ating magagawa para sa ating kinabukasan. Kung kaya naman kamangha-mangha ang mga tao na sa murang edad pa lamang ay natututo nang mag-ipon, magsumikap sa buhay at makapagpatayo ng sarili nilang tahanan.



Katulad na lamang ng Kapamilya young actress na ito na si Andrea Brillantes. Dahil sa kaniyang sipag, tiyaga, at determinasyon ay ipinapatayo na niya ngayon ang kanilang dream house. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang kanilang soon-to-be home.


Ibinahagi niya ang ilang mga larawan nito sa kaniyang Instagram account. Labis labis ang pasasalamat ng dalaga dahil sa mga magagandang proyekto na natatanggap niya mula pa noong nakaraang taon na naging dahilan upang makamit niya ang mga bagay na mayroon siya ngayon na talaga namang nagsisilbing inspirasyon para sa marami niyang mga tagahanga at tagasuporta.


Talaga namang namangha ang publiko sa pambihirang kasipagan at ang pagnanais ni Andrea na makapagpundar ng sarili nilang tahanan para sa kaniyang pamilya. Ang susunod niyang goal sa buhay ay ang magkaroon ng fully-air conditioned na bahay. Dahil sa noon pa man ay hindi nila naranasan ang ganito. Bukod pa rito ay nagpapaplano din ang 16 taong gulang na Kadenang Ginto star na magkaroon at magpatayo ng sarili niyang negosyo.


Tunay nga na ang pagiging masipag, determinado, at ang pagkakaroon ng pangarap sa buhay ay ilan lamang sa mga katangian na dapat ay taglayin ng isang indibidwal upang makamtan nito ang mga pangarap niya sa buhay at sa kaniyang pamilya. Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala ng publiko bilang si Andrea Brillantes ay 16 na taong gulang na aktres, modelo, social media influencer, at vlogger. Una siyang napanuod noon sa Annaliza at ngayon naman ay isa siya sa mga bida sa afternoon television series ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto”.






error: Content is protected !!