Jodi Sta. Maria: “Hindi sumpa ang pagiging single.”



Bilang isang “single mom, sinisigurado ng aktres na si Jodi Sta. Maria na pagdating sa usaping pag-ibig ay nagiging mas maingat siya. Ayon din sa aktres dahil marahil sa mayroon na siyang anak na iniisip kung kaya naman isinasaalang-alang niya rin talaga ang maraming mga bagay bago siya magdesisyon.



Nagdedesisyon siya hindi lamang para sa kaniyang sarili kung hindi para rin sa kaniyang anak. Batid ng aktres na lahat ng kaniyang gagawin ay makakaapekto sa kaniyang anak na si Thirdy kung kaya naman dapat siyang mas maging matalino sa mga desisyon niya sa buhay.


Kung mayroon mang nais manligaw sa kaniya ay sinisigurado niyang maipapakilala niya muna ito sa kaniyang anak bago ang lahat. Malaki rin ang pagpapahalaga ni Jodi sa opinyon o sasabihin ng kaniyang 14 na taong gulang na anak. Para din sa kaniya ay hindi naman masama maging “single mom”, walang mali dito bagkus ay maaari ka pa ring maging ikaw at magawa ang iyong mga nais kahit pa wala kang nobyo o kapareha. Binigyang-diin niya na ang pagiging isang “single” sa panahon ngayon ay hindi isang sumpa kahit pa sabihin na wala kang katuwang sa buhay.


Tunay nga na nagsisilbing napakagandang inspirasyon ang mga pahayag na ito ni Jodi para sa ibang mga kababaihan o maging sa mga kalalakihan din na hanggang sa ngayon ay single pa din. Darating din ang tamang tao sa tamang pagkakataon para sa kanila ngunit sa ngayon ay mas pinagtutuunan muna nila ang mas mahahalagang bagay katulad na lamang ng kanilang mga anak, pamilya at mga pangarap na nais pa nilang makamit.



Si Jodi Chrissie García Santamaria o mas kilala ng publiko bilang si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga Pilipinang aktres na nanomina sa International Emmy Awards. Una na siyang hinangaan at minahal ng marami nang maging isa siya sa mga cast ng popular na programang “Tabing Ilog”.




error: Content is protected !!