Napakagandang at napakaeleganteng “Blue House” ni Yasmien Kurdi, nagpamangha sa publiko!



Si Yasmien Kurdi-Soldevilla o mas kilala ng publiko bilang si Yasmien Kurdi ay 30 taong gulang na singer-songwriter, aktres at commercial model. Siya ang isa sa “Final Four” ng kauna-unahang season ng reality-based talent search show ng GMA Network na “Starstruck”. Nagwagi siya dito bilang first runner-up. Siya ay binansagan bilang “Philippine’s Pop Sweetheart.” Nagtapos siya bilang Magna Cum Laude sa Arellano University sa kursong Bachelor of Arts in Political Science.



Taong 2013 nang ibunyag ng Kapuso actress na siya ay kasa na kay Rey Soldevilla na isang piloto. Nobyembre 2012 naman nang isilang niya ang kaniyang anak na si Ayesha Zara kung saan ang kahulugan ng Ayesha ay “she who lives” or “womanly” sa Arabic language habang ang Zara naman ay nangangahulugan na “beautiful, bright, shining and brilliant” o “flower, blossom, or beauty”.


Bukod sa pagiging mabuting asawa at ina sa kaniyang pamilya ay hinahangaan din ng marami si Yasmien dahil sa kaniyang angking kahusayan sa pag-arte. At dahil na din sa pagtutulungan nilang mag-asawa ay nakapagpatayo na sila ng kanilang dream house. Kulay asul ito at diumano ay sorpresa ng mag-asawa sa kanilang anak na si Ayesha. Abril 2018 nang sila ay lumipat na sa kanikang bagong bahay. Nagbahagi din ng ilang mga larawan ang aktres ng kanilang magarang tahanan at isa na ang kanilang “blue couch” sa mga ito na naging napakagandang kagamitan sa kanilang sala.



Talaga namang napakaganda at napakaelegante ng kanilang tahanan. Maraming mga netizens ang labis na namangha at bumilib sa mag-asawang ito dahil sa kanilang pagsusumikap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak at makapagpundar para din sa kanilang kinabukasan. Marami sa atin ang nais umasenso at guminhawa sa buhay.


Marami din ang nangangarap na makapagpatayo ng sarili nilang tahanan o di kaya naman ay sarili nilang negosyo. Talaga namang nakakabilib na kahit pa nga sikat nang artista si Yasmien ay patuloy at patuloy pa rin siyang nagpapagal katuwang ng kaniyang mister para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.




error: Content is protected !!