Dala ng Lalamove rider sa motor nito mannequin pala at hindi isang tao, kinaaliwan ngayon ng mga netizens!



Marami na sa ating mga Pilipino ngayon ang nawiwiling tangkilikin ang mga online shop dahil sa mas kombinyente ito at mas madali lalo na sa mga taong abala sa kanilang mga trabaho at sa mga ilaw ng tahanan na abala sa walang humpay na mga gawain sa buhay. Buti na lamang ay mayroon na silang kakayahan na makapamili ng mga bagay na kanilang kailangan nang hindi na lumalabas pa sa kanilang tahanan. Dahil nga mas marami ang mga taong namimili sa mga online shopping apps, mas marami din ang nabibigyan ng trabaho kagaya na lamang ng mga online sellers at mga riders.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang dala dala ng Lalamove rider na ito sa likurang bahagi ng kaniyang motorsiklo. Marami sa mga nakakita nito ay kinabahan at natakot dahil sa inakala nila na katawan ng tao ang lulan ng motorsiklong iyon. Ngunit nang mapagtanto ng marami na mannequin lamang pala iyon ay mas marami naman ang naaliw at hindi napigilang matawa sa inaakala nilang kahindik-hindik na pangyayari.

Ang viral na larawan ng nasabing rider ay ibinahagi pala ng isang netizen na nakilala bilang si Bryan Navarro. Enero 7 nang ibahagi niya ito sa kaniyang social media account ang larawan ng Lalamove rider na talaga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa maraming mga netizens. Ayon sa caption ni Bryan ay kinabahan diumano siya ng makita ang karga kargang kamay at paa ng isang rider sa motorsiklo nito. Ilang mga netizens pa ang hindi napigilang maki-nerbyos sa larawang ito sa social media.



Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaskyon:
“Haha, dear. Unang tingin ko akala ko tunay na parts ng tao. Hahaha! Pambihira,” natatawang komento ni CK.
“Hindi na pala puting van ang nagunguha ngayon. Lalamove na pala,” ayon naman kay HKY.
“Ito yata yung parang angkas na Lalamove. Hahaha,” pahayag naman ni DC.




error: Content is protected !!