Isang OFW na sumasayaw ng “Tala” sa harapan mismo ng kaniyang amo, kinaaaliwan ngayon ng mga netizens!



Hindi madali ang pagiging isang Overseas Filipino Workers dahil bukod sa magiging malayo ka sa iyong pamilya at sa kinalakihan mong lugar ay marami kang mga pagbabago at sakripisyo na titiisin. Marami na ring mga malulungkot na balita ang napapanuod at nababalitaan natin patungkol sa mga kababayan nating minamaltrato sa ibang bayan ng mga dayuhan.



Malaking tulong man ang mga salapi na kanilang kinikita para sa kanilang mga pamilya na naiwan dito sa Pilipinas ay mas marami pa ding mga Pilipino ang nanaising makasama ang kanilang mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa kaysa mawalay sila sa mga ito at lumipas ang ilang mga taon nang hindi nila ito nakakasama lalo na sa mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

Buti na lamang at mayroon pa ring mga magagandang balita patungkol sa ating mga kababayan sa ibang bansa katulad na lamang ng isang OFW na ito na maswerte sa kaniyang amo dahil sa nagagawa pa nitong sumayaw at umindak ng “Tala” sa harapan ng kaniyang amo.




Ang kaniyang amo ay makikita naman sa video na tila nangingiti sa ginagawa ng kaniyang kasambahay ngunit hinahayaan na lamang niya ito. Ang “Tala Dance Challenge” ay isa sa pinakapatok na dance craze ngayon sa bansa. Marami nang mga Pilipino, maging mga kilalang personalidad sa industriya ng show business ang hindi nagpaawat sa pag-indak sa sikat na kanta ni Sarah Geronimo.


Ang Pilipinang OFW ay nakilala bilang si Nicole Broca Andres. 24 na taong gulang na mula sa probinsiya ng Sarangani. Sa ngayon ay nasa Saudi Arabia siya at nagtatrabaho bilang isang domestic helper. Nakasaad naman sa post nito na makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin ito sa pagsasayaw dahil sa nagluluto pa sila ng kaniyang amo at natatakot itong mapagalitan at mapukpok ng kaldero, pagbibiro pa nito.

Marami namang mga netizens ang napa-sana all sa video na ito nang Pinay OFW.




error: Content is protected !!