Jinkee Pacquiao at kakambal nitong si Janet Jamora masayang nagdiwang ng kanilang kaarawan kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan



Si Jinkee Pacquiao ay 41 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality, at prodyuser. Naglingkod din siya bilang Bise Gobernador ng Sarangani mula 2013 hanggang 2016. Kilala din siya bilang misis ng legendary Filipino boxer at senador ng Pilipinas na si Manny Pacquiao.



Siya ay ipinanganak sa St. Elizabeth Hospital sa General Santos City noong January 12, 1979. Ang kaniyang mga magulang ay sina Nestor Jamora at Rosalina Capeña. Siya ay mayroong kakambal na nakilala ng publiko bilang si Janet. Siya ay nagtatrabaho bilang isang beauty consultant bago pa man niya makilala ang mister na si Manny. Taong 2000 nang sila ay ikinasal. Mayroon silang limang mga anak, sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang mga larawan si Jinkee ng naging selebrasyon nila ng kaniyang kaarawan kasama ng kaniyang kakambal na si Janet. Talaga namang lumutang ang angkin nilang kagandahan sa kanilang kaarawan. Labis labis din naman ang pasasalamat ni Jinkee para sa mga taong naging bahagi ng kanilang masayang pagdiriwang. Ngunit higit sa lahat ay labis siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa lahat ng biyaya na kanilang tinatamasa sa ngayon at sa kaniyang masaya at kumpletong pamilya.


Marami naman ang kinilig sa ibinahaging post ni Manny para sa kaniyang misis kung saan inilarawan niya ang kaniyang asawa bilang isang maganda at napaka-supportive na life partner. Nagpasalamat din ang senador sa walang sawang sakripisyo at pagmamahal ni Jinkee sa kanya at sa kanilang limang mga anak. Maraming mga netizens din naman ang nagpahayag ng kani-kanilang mga komento at pagbati para sa kaarawan ni Jinkee at ng kaniyang kakambal na si Janet.


Tunay nga na napakapalad ni Jinkee na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya kasama na rin ang malalapit nilang mga kaibigan. Labis din namang hinahangaan ang pamilya Pacquiao dahil sa walang sawa nilang pagtulong sa mga Pilipinong kapus-palad at mga nangangailangan.






error: Content is protected !!