Body piercer sumagip sa buhay ng isang security guard na nag-seizure sa isang supermarket, labis na hinahangaan ngayon ng publiko!



Aminin man natin o hindi marami sa ating ngayon ang tila humuhusga sa mga tao dahil lamang sa kanilang panglabas na kaanyuan. Naging kaugalian na ng marami sa atin ang mga taong maraming hikaw o butas sa katawan ay mayroong hindi magandang intensyon sa atin o di kaya naman ay kapag maraming tattoo ang isang tao sa kaniyang buong katawan ay tila ba masama agad ang tingin natin sa kanila. Ngunit kamakailan lamang ay sinaluduhan ng publiko ang body piercer na ito na hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang security guard na nag-seizure sa isang supermarket.


Ang bayani na ito ay nakilala bilang si Jonathan “Totie” Casimiro. Ayon sa kaniyang pahayag ay bumibili lamang siya noon sa isang supermarket nang makita niya ang gwardiya na nakahandusay sa sahig, bumubula ang bibig, at nangingisay. Kahit pa mga napakaraming tao ang nakapaligid sa gwardiya ay wala namang tumutulong dito kung kaya naman siya na mismo ang kumilos at agad na rumesponde. Agad niyang ginawa ang first aid na kaniyang natutunan sa health and safety seminars ng Philippine Tattoo Guild o PhilTag at Department of Health para sa mga tattoo artists at body piercers tulad niya. Isa sa mga requirements para sa mga miyembro ng PhilTag ang sumailalim sa mga seminars katulad nito upang sila ay makapag-tattoo.



Masayang-masaya si Casimiro na nakatulong at nakapagsalba siya ng buhay at nagamit din niya ang kaniyang mga natutunan sa mga seminar na kaniyang nilalahukan. Narito ang kaniyang naging pahayag:


“Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya at gawin ang tama kasi ‘yun ang nararapat. Hindi dahil may gusto ako patunayan na kahit ganito hitsura ko. May pamilya kasi na nag-aantay sa kaniya. Ginawa ko lang yung natutunan ko nu’ng mga oras na nag-undergo ako sa seminar. At least naging kasangkapan ako ng nasa taas para makatulong ako sa tao,” pahayag ni Casimiro.


Sa ngayon ay ligtas na ang gwardiya at mayroon ding rumesponde na medical officers matapos magbigay ng first aid ni Casimiro.




error: Content is protected !!