Lalaki na nakapagtapos ng tatlong kurso sa edad na 35, nagsilbing inspirasyon sa publiko!



Kadalasan, ang mga pangarap natin noong mga bata pa lamang tayo ay hindi pala magiging reyalidad paglipas ng ilang taon dahil sa mas mayroon pang magandang bagay para sa atin ang inihanda ng tadhana. Marami sa atin ang mayroong mga ordinaryong trabaho na mayroong wasto at tama lamang na sweldo, at higit sa lahat ay na-eenjoy din naman natin ang normal nating buhay. Isa ito sa mga maituturing na desenteng buhay para sa isang “matured adult” wika nga ng marami.



Ngunit tila iba ang pananaw ng lalaking ito na nakilala ng publiko bilang si Jonny Kim. Para sa kaniya kasi ang pagkakaroon ng tipikal na trabahong “9-to-5” ay hindi sapat para sa kaniya. Nagkaroon din naman siya ng normal at tipikal na kabataan at pagbibinata katulad ng iba niyang mga kaibigan ngunit napagdesisyunan niyang maging isang Navy Seals. Noong una ay “seaman recruit” lamang ang kaniyang sinubukan ngunit matapos nito ay sumailalim na siya sa dalawang taon na “Seal training program”. At sa wakas ay naging isa na siyang “full-fledged Navy Seal”.


Naging miyembro siya ng Seal Team 3 na ipinadala sa Iraq noon. Dahil dito ay nakatanggap siya ng karangalan tulad ng Silver Star af at Bronze Star na mayroong Combat “V” dahil sa ipinakita niyang kahusayan. Kumuha din siya ng kursong medisina sa Harvard Medical School matapos maranasan ang isang pangyayari kasama ang ilan niyang kasamahan sa Navy Seal na kailangang-kailangan ng tulong ng isang doktor sa gitna ng kanilang engkwentro.



Nagtapos siya noong taong 2016 at naging bahagi ng Harvard Affiliated Emergency Medicine Residency sa Massachusetts General Hospital in Brigham at sa Women’s Hospital sa Boston, Massachusetts. At sa ngayon naman ay kasalukuyan siyang isang “astronaut in training”. Tunay nga na nakamamangha ang mga naging tagumpay ni Jonny na hanggang sa ngayon ay nagagamit pa niya hindi lamang para sa kaniyang sariling mga pangarap kundi para na rin sa pagtulong sa maraming mga tao.




error: Content is protected !!