Taal evacuees nagdulot ng kasiyahan sa publiko matapos irampa ang kanilang mga nakuhang damit mula sa mga donasyon



Kinaaliwan ng maraming mga netizens ang mga larawang ito ng mga bakwit sa Batangas na rumampa suot suot ang mga damit na natanggap nila mula sa mga donasyon. Talaga namang wala pa ring tatalo sa pagbabayanihan ng maraming mga Pilipino. Sa kabila ng hindi magandang sitwasyon ng mga taong apektado ng pagputok ng bulkang Taal ay nananatili pa ring positibo ang maraming mga Pilipino.


Ang mga viral na larawan ay una nang nakita ng mga netizens da Facebook page na “We Love Philippines”. Sa viral post na ito ay talaga namang kitang-kita ang totoong kaligayahan sa mga ngiti ng mga Taal victims habang tila inirarampa ang mga damit na natanggap nila mula sa mga donasyon ng mga taong nagnais tumulong sa kanila.



Ilan nga sa mga kasuotan na inirampa ng mga evacuees ay mga uniporme ng estudyante, nars, gwardiya, at crew sa fast feed chain. Mayroon ding mga nagbigay ng mga kasuotan para sa mga pormal na okasyon at maging mga dance costume.




Talaga namang hindi napigilan ng maraming mga netizens ang matuwa sa mga larawang ito. Ngunit higit pa roon ay nakakataba rin ng puso na malamang marami pa ding mga Pilipino ang nagnanais tumulong sa kanilang kapwa kahit sa pinakasimpleng paraan na makakaya nila.



Mas nangibabaw din naman ang pagiging likas na masayahin at positibo ng maraming mga Pilipino na kahit pa nga apektado ang kanilang nakasanayang buhay, mga negosyo, o nasira na ang kanilang mga tahanan ay patuloy na mayroon pa rin silang nakikitang kaliwanagan at pag-asa sa bawat araw na dumarating. Kamangha-mangha talaga ang mga Pilipino!




Dahil sa pambihirang pananaw na ito ng mga Pilipino ay tiyak na hindi rin magtatagal at muling makakaahon at makakabangon ang bawat tao at bawat pamilya na nasalanta ng pag-aalburoto ng bulkang Taal. Tiyak na diringgin ng Diyos ang dalangin nating lahat para sa kaligtasan at ikabubuti ng mga apektadong pamilya dahil sa kalamidad na ito.



error: Content is protected !!