Viral video ng pagsabog ng bulkang Taal noong 1965 labis na ikinagulat ng publiko!



Maraming magagandang tanawin at lugar dito sa ating bansa. Mga karagatan, ilog, bundok, burol, kweba, bulkan at marami pang iba. Biniyayaan tayo ng Diyos ng napakaraming mga yamang-dagat at yamang lupa. Ngunit kalakip ng mga biyayang ito ay malaking responsibilidad at ilang mga panganib na hindi natin mababatid kung kailan darating.



Katulad na lamang ng mga taong naninirahan malapit sa karagatan o sa ilog na ano mang oras ay maaaring makaranas ng pagtaas ng tubig at manganib ang kanilang mga buhay. Maging ang mga taong naninirahan malapit sa mga burol o bundok ay nangangamba rin sa kanilang kaligtasan dahil sa maaaring pagguho ng lupa. Ang mga pamilyang naninirahan naman malapit sa mga bulkan ay pagsabog o pagputok naman ng mga ito ang ikinababahala.


Nito lamang Linggo, Enero 12 ay gumimbal sa maraming mga Pilipino ang pag-aalburoto ng bulkang Taal sa Batangas na nakaapekto sa maraming mga pamilyang Pilipino roon. Kasunod nito ay naging usap-usapan din sa social media ang video ng naging mapaminsalang pagsabog ng bulkan noong taong 1965. Maraming mga dayuhang mamamahayag ang nagtungo sa bansa upang magbigay ng wastong balita para sa maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo na nag-aabang sa sitwasyon at kalagayan ng mga taong apektado at ng buong Pilipinas mismo.


Bukod sa nakakalungkot na pangyayaring naganap noon at sa hindi magandang karanasan ng mga taong naapektuhan ng pagsabog ng bulkan ay kinabiliban din naman ang ilang mga Pilipino na nakapanayam ng mga dayuhang mamamahayag dahil kung noon ay “Indio” lamang ang tingin ng ilang mga dayuhan sa ating lahi, mas napatunayan ng mga Pilipino na mayroon din tayong kakayahan sa pagsasalita at pag-unawa ng lenggwaheng Ingles.


Kung noong taong 1965 ay mapapansin ang malalang epekto at pinsala ng bulkang Taal, tiyak na makababangon muli ang mga Pilipinong naapektuhan ng sakunang ito basta tayo ay magkakaisa at mananalagin sa Diyos.






error: Content is protected !!