Batang babae na nag-video at tila nagtitinda ng brief ng kaniyang tatay kinaaliwan ng mga netizens!



Sa ating panahon ngayon na laganap na ang paggamit ng internet at social media na hindi lamang sa pakikipagkomunikasyon nagagamit o sa pakikipagtalastasan sa ibang tao kung hindi maging sa usaping negosyo na rin. Tiyak na marami sa atin ang nakasubok nang bumili sa mga online sellers o maaaring karamihan sa atin ay nagbebenta mismo o mga online sellers talaga. Marami ding mga benepisyo o adbentahe ang paggamit ng social media sa kani-kanilang negosyo o ang pag-oonline selling mismo upang mas maging malaki ang kita at umasenso ang isang taong nagnenegosyo sa pamamagitan nito.



Ngunit aakalain ba ninyo na dahil sa madalas nang makita o mapanuod ng mga bata ang pag-oonline selling ng ilang mga nakatatanda ay tila napakadali na rin para sa kanila ang sumubok na gawin ito. Talaga namang napakaraming netizens ang naaliw sa batang babae na ito na nagmistulang nag-oonline selling ngunit ang kaniyang produkto ay ang butas na brief ng kaniyang ama! Napakaraming mga tao talaga ang nakaramdam ng labis na kasiyahan sa ginawang ito ng batang babae.


Ang batang netizen ay nakilala bilang si Athena Cantos at sa sarili niya mismong Facebook account siya nag-live selling! Ang cute di ba? Aakalain mo na sa murang edad nito ay hindi niya alam ang kaniyang mga ginagawa ngunit tila bihasang bihasa na ito dahil sa alam na alam niya kung paano ipakilala ang produkto na kaniyang ibinebenta at kung paano ang pagkokomento ng “mine, mine, mine” kapag mayroong nagnanais na bilhin ang kaniyang item.


Ngunit higit na pumukaw sa atensyon ng publiko ang natatanging brief ng kaniyang ama na butas butas pala at diumano ay mag-unahan na lamang ang mga viewers niya sa pag-mine ng item na ito. Naging instant celebrity si Athena dahil sa bibong pagbebenta ng sirang brief ng kaniyang tatay sa halagang P100.


Sa loob lamang ng dalawang araw ay mayroon nang higit sa dalawang milyong views ang nakasaksi sa kaniyang nakaka-good vibes na video. Umani rin ito ng napakaraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko.






error: Content is protected !!