Mga aktibong bulkan sa Pilipinas, ating alamin!



Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pagtira natin sa mga lugar na malapit sa karagatan, kabundukan, o bulkan ay maaaring magkaroon ng mga hindi inaasahang kalamidad na makakaapekto sa atin at sa ating pamilya. Dahil na rin sa mga pangyayaring ito ay dapat maging handa tayo sa mga panahon ng sakuna kung kaya naman dapat at malaman din natin ang mga aktibong bulkan sa Pilipinas.

Ito ang 24 na aktibong mga bulkan sa ating bansa na dapat nating malaman:



    • Babuyan Claro sa Babuyan Island Group sa Cagayan sa Luzon
    • Banahaw sa hangganan ng Laguna at Quezon sa Luzon
    • Biliran (Anas) sa Leyte sa Visayas
    • Bud Dajo sa Sulu sa Mindanao
    • Bulusan sa Sorsogon sa Rehiyon ng Bicol sa Luzon
    • Cabalian sa Katimugang Leyte sa Visayas
    • Cagua sa Cagayan sa Luzon
    • Camiguin de Babuyanes sa Babuyan Island Group
    • Didicas sa Babuyan Island Group
    • Hibok-hibok sa Camiguin sa Mindanao
    • Iraya sa Batan Island sa Batanes
    • Iriga sa Camarines Sur sa Luzon
    • Isarog sa Camarines Sur sa Luzon
    • Kanlaon sa Negros Oriental
    • Leonard Kniaseff sa Davao del Norte
    • Makaturing sa Lanao del Sur
    • Matutum sa Cotabato, Mindanao
    • Mayon sa Albay, Rehiyon ng Bicol sa Luzon
    • Musuan (Calayo) Bukidnon, Mindanao
    • Parker sa South Cotabato sa probinsiya ng Sarangani sa Mindanao
    • Pinatubo sa hangganan ng Pampanga, Tarlac at Zambales sa Luzon
    • Ragang sa Lanao del Sur
    • Smith Babuyan Island Group
    • Taal sa Batangas

Dahil sa naganap na pag-aalburoto at pagputok ng bulkang Taal kamakailan lamang sa Batangas ay marapat lamang na maging handa tayo sa mga panahong tulad nito. Nakakalungkot mang malaman na maraming mga pamilya ang nasalanta sa pangyayaring ito ay mas dapat na maging aral ito sa bawat isa sa atin na mas maging mapanuri, maging handa at maging responsable sa lahat ng mga oras at lalong lalo na sa mga panahong tulad nito. Dalangin ng bawat isa ang patuloy na pagbangon ng bawat taong naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.





error: Content is protected !!