Pink beach sa Zamboanga City isa sa pinakahinahangaan at pinakadinarayo ngayon ng mga turista!



Sa panahon natin ngayon na talaga namang talamak na ang social media, napakaraming mga bagay ay nagiging hadlang upang magkaroon ng “quality time” at “bonding moments” ang bawat pamilya. Ngunit isa na siguro sa pinakamabisa at pinakagustong gawin ng maraming mga magulang ay magbiyahe at magbakasyon sa ibang magagandang pasyalan o lugar kasama ang kanilang mahal na mga anak.


Tunay nga na napakapalad nating mga Pilipino dahil sa ang ating bansa ang isa sa mga bansang mayroong pinakamagandang mga pasyalan na dinarayo talaga ng iba’t-ibang mga uri ng tao mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Napakarami din nating mga nakamamanghang karagatan at yamang-dagat. Patok na patok ang mga beach sa ating bansa tuwing darating na ang panahon ng tag-init.




Kamakailan nga lamang ay napabilang ang isa sa mga beach sa Zamboanga City bilang isa sa “21 Best Beaches in the World” ayon sa National Geographic. Ito ay walang iba kundi ang Pink Beach o mas kilala din bilang Sta. Cruz Island. Talaga namang mamamangha ka sa napakapino nitong buhangin na kulay “pink”. Ang kulay ng buhangin dito ay mula sa “crushed red organ pipe coral” na tinatangay ng alon sa dalampasigan.

Ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga ay nililimitahan ang lahat ng mga turista at bisita ng isla upang maprotektahan nila ito ng husto. Kung kaya naman sa mga tao na nagnanais magtungo sa lugar na ito at masilayan ang napakagandang tanawin dito ay kinakailangan munang makipag-ugnayan sa kanilang “tourism office”. Isa nga sa pinakamahigpit na ipinagbabawal dito ay ang pagpapalipas ng magdamag sa isla.




Tunay nga na nakakatuwang malaman na isa sa mga lugar dito sa ating bansa ay kinikilala dahil sa kamangha-mangha nitong kagandahan. At gayundin naman ay napakahusay ng kanilang lokal na proteksyunan at pangalagaan ang kanilang mga natatanging kayamanan na biyaya mula sa Diyos. Kung kaya naman sa ating pagtutulungan at pangangala ay tiyak na hindi masisira o maabuso ang mga ganitong uri ng magagandang tanawin ng ating bansa. Mas marami pang mga tao ang mamamangha dito at makikita pa ito ng mga bagong henerasyon ng mga kabataan sa ngayon.





error: Content is protected !!