Silipino ang napakaganda at napakagarang rest house ni Piolo Pascual sa Batangas!



Sa wakas ay ibinahagi na rin ng Kapamilya actor at host na si Piolo Pascual ang kaniyang napakagarang rest house sa Batangas. Ayon sa ilang mga ulat ay dito ipinagdiwang ng “Ultimate Leading Man” ng Philippine show business ang isang pribadong selebrasyon ng kaniyang ika-43 tatlong kaarawan na dinaluhan ng kaniyang mga malalapit na kamag-anak at mga kaibigan. Nagbahagi siya ng isang video nito lamang Linggo, Enero 12 kung saan nagpasilip si Piolo sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay sa napakagara niyang rest house.



Ang kaniyang 3 minutong vlog ay mayroong pamagat na “Birthday Salubong + Linis bahay!”. Talaga namang nasiyahan ang publiko dahil sa “quick tour” na ginawa ng aktor sa napakaluwag niyang property. Ang rest house niya ito ay matatagpuan sa gitna ng kagubatan.

Makikitang labis ang kasiyahan ng aktor sa kaniyang pananatili sa magara niyang tahanan na mayroong napakagandang tanawin ng karagatan at kalikasan. Bukod sa naging selebrasyon ng kaniyang kaarawan ay nagkaroon din ng “fireworks display” sa itaas na bahagi ng kaniyang tahanan.




Matatandaan din na ang kaarawan ng mahusay na aktor ay ang araw kung kailan nag-alburuto ang bulkang Taal kung kaya naman nagbahagi ito ng isang post sa kaniyang social media account kung saan sinasabi nito na ang tanging hiling lamang niya ay ang maging ligtas ang lahat.

Talaga namang umani ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon ang nasabing video mula sa maraming mga netizens. Tunay nga na nakamamanghang makita ang napakagandang rest house ng aktor na mula sa kaniyang paghihirap at pagsusumikap sa trabaho. Kahit pa nga nasa higit 40 taon na ang kaniyang edad ay tila mas bumabata pa ito lalo sa paglipas ng panahon.

Hindi lamang siya hinahangaan dahil sa kaniyang kahusayan sa kaniyang napiling larangan ngunit higit sa lahat ay pagkakaroon niya ng mabuting puso para sa maraming mga tao.




error: Content is protected !!