Angel Locsin muli na namang nag-abot ng tulong sa mga taong naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal!



Tunay nga na ang Kapamilya celebrity na si Angel Locsin ay isang anghel na ipinadala dito sa lupa upang marami siyang matulungang mga taong labis na nangangailangan ng tulong lalong-lalo na ang mga taong nasalanta ng sakuna o kalamidad.



Pinatutunayan lamang niya na ang kaniyang pangalan na “Angel” ay siya ring nilalaman ng kaniyang puso at isipan lalo na sa bukas-palad at taos pusong pagtulong sa mga kaniyang kapwa. Kamakailan nga lamang ay muli na naman siyang namataan habang nagbibigay tulong sa mga taong naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas na naganap noongika-12 araw ng Enero taong 2020. Napakaming mga pamilya ang naapektuhan at lalo nang hirap sa kanilang kasalukuyang kalagayan ang mga matatanda, mga bata o mga sanggol, mga nagdadalang-tao at mga taong mayroong kapansanan. Maging ang mga alagang hayop ay talaga namang hindi rin pinalampas sa tila pagsingil na ito ni Inang Kalikasan.


Buti na lamang at sa gitna ng mga ganitong pangyayari ay hindi pa rin nawawala sa ating mga puso ang pakikipagbayanihan at pakikipagtulungan sa isa’t-isa. Katulad na lamang ng tulong na ginawa ng Kapamilya actress na si Angel Locsin kung saan nagpadala siya ng isang malaking truck na punong-puno ng mga pagkain at iba pang tulong para sa mga apektadong pamilya. Mas lalo pang kinabiliban ang aktres dahil bukod sa pagpapadala ng mga tulong na ito ay siya rin mismo ang nag-pack ng mga ito at naghatid sa mga apektadong lugar. Isa nga sa mga nagboluntaryong tumulong para sa pag-papack ng relief goods na si Angelo Barrios ay hindi mapigilang humanga at bumilib sa aktres dahil sa kabutihang loob nito at sa pagmamalasakit sa kaniyang kapwa.



“Done packing relief goods for Taal Volcano eruption evacuees! With our real time hero Darna “Angel Locsin.” Tulong tulong mga kababayan! Maraming salamat Ate Angel na witness ko ‘yung sobrang pagmamahal mo sa mga kababayan mo nakaka-inspire! #TeamAngelPH” Pahayag ni Barrios sa kaniyang social media post.




error: Content is protected !!