Magkasintahang Pinoy nakapagpatayo ng kanilang dream house matapos ang tatlong taon na pagtatrabaho sa Taiwan!



Maraming mga Pilipino ang nagdedesisyong magtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng kinabukasan ang kanilang pamilya lalo na para sa kinabukasan ng kanilang mga anak kahit pa nga ang ibig sabihin nito ay mawawalay sila sa kanilang pamilya, at maninirahan ng ilang taon habang nagtatrabaho sa dayuhang bansa.



Marami sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na ito ay unti-unti nang natutupad ang kanilang mga pangarap at ang ilan sa kanila ay nagawa na ring makapagpatayo ng kanilang mga pangarap na tahanan. Nakakamangha na makita ang mga taong ito na nagsusumikap at sa wakas ay natutupad na ang kanilang mga pangarap sa buhay.


Kung ilan sa mga kilala nating OFWs ay inaabot ng ilang mga taon sa pagkamit ng kanilang mga pangarap, iba naman ang naging pagtutulungan ng magkasintahang ito na sina Ricky Jay Javate at Sharmaine Fernandez Mamaril na parehong nagtrabaho sa Taiwan bilang mga Factory Workers. Sa loob lamang ng tatlong taon na pagtatrabaho sa ibang bansa ay nagawa na nilang maipatayo ang kanilang dream house at talaga namang napakarami ang nabigyan nila ng pag-asa at inspirasyon.


Sina Ricky at Sharmaine ay bumili ng lote sa Brgy. Tambac sa Malasiqui, Pangasinan bago pa man sila nagkaroon ng trabaho sa Taiwan. Pangarap na nila noon pa man ang magkaroon ng dalawang palapag na tahanan para sa kanilang magiging pamilya.


At dahil nga sa kanilang pangarap ay napagdesisyunan nilang magtrabaho ng sabay at sabay na ring mag-ipon para sa kanilang pangarap na tahanan. At ngayong nga na naisakatuparan na nila ang isa sa kanilang mga pangarap, payo din ng magkasintahang para sa mga nagnanais na magtagumpay sa kanilang mga plano sa buhay ay:



Dapat alamin mo ang iyong “goal’ at ang iyong rason sa pag-abot nito. Magplano ng mabuti at magbudget ng mabuti. Dapat ay maging “consistent”. Huwag na huwag kang susuko, mapapagod, o magdadahilan upang hindi mo maipagpatuloy ang iyong sinimulan. Higit sa lahat huwag na huwag makakalimot manalangin at humingi ng gabay sa Diyos.




error: Content is protected !!