Bahay na pinaghirapan ng OFW na ito mas pinili na lamang niyang ipagiba dahil sa panloloko sa kaniya ng kaniyang kapatid!



Hindi madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Marami sa ating mga kababayan ang mas pinipili na lamang na magtungo at magtrabaho sa ibang bayan kaysa manatili dito sa ating bansa at kumita ng maliit na halagang hindi magiging sapat sa kanilang mga pangangailangan. Ang kinikita din nila sa pagiging “Overseas Filipino Workers” nila ay kadalasang inilalaan nila para sa pag-aaral ng kanilang mga anak at sa pagpapatayo ng kanilang pangarap na bahay. Marami din sa kanila ang nag-iinvest, at nagnenegosyo upang makasigurado na napupunta sa mabuti ang kanilang pinaghihirapang salapi.



Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang sinapit ng OFW na ito na nakilala bilang si Jonalyn Obnar. Nag-viral ang kaniyang video dahil sa ginawang pangloloko sa kaniya ng kaniyang kapatid. Mapapansin sa nasabing video ang galit na si Jonalyn at dahil na rin dito kung kaya napagdesisyunan niyang ipagiba na lamang ang bahay na katas ng kaniyang paghihirap at pagsusumikap sa ibang bansa. Halos higit sa 15 taon siyang nagtrabaho at nanilbihan sa ibang bansa kung kaya naman napagdesisyunan na nitong magpundar at magpatayo ng sarili niyang bahay sa Pinas.


Nalaman ito ng kaniyang kapatid at ng asawa nito na agad naman ding nagpresintang sila na raw ang hahanap ng lupa na mabibili nito para sa ipapatayo niyang bahay. Sa loob ng tatlong taon ay buong pagtitiwala niyang ipinaubaya sa kaniyang kapatid ang pagpapatayo ng kaniyang pangarap na bahay. Una nang nagpadala ng P40,000 si Jonalyn upang mapaayos ang titulo ng kaniya sanang bahay, ang alam niya din ay kasalukuyan nang pinoproseso ang paglilipat sa kaniyang pangalan ng nasabing lupa.


Labis siyang nagtiwala sa kaniyang kapatid kung kaya naman walang palya siyang nagpapadala ng may kalakihang pera para sa pagpapatayo ng kaniyang bahay. Sa kasamaang palad ay nagulantang siya sa kaniyang nalaman nang makauwi siya sa Pilipinas dahil sa hindi magiging sa kaniya ang titulo ng lupa na inakalang niyang kaniya na dahil sa mother title pa rin pala ito hanggang sa ngayon. Bukod pa rito ay lumalabas pa na ang ipinapatayo niyang bahay ay hindi para sa kaniyang pamilya kundi para sa kaniyang kapatid!


Dahil dito ay ipina-demolish na lamang niya ang tahanan na dapat sana ay magiging magandang panimula para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Ginawa niya ito upang hindi na rin ito pakinabangan pa ng kapatid niyang nanloko sa kaniya!






error: Content is protected !!