Exotic dish ng mga Bikolano na “Kinunot”, talaga namang nanunuot ang sarap!



Tayong mga Pilipino ay ilan lamang sa mga tao sa buong mundo na mayroong napakasasarap na mga pagkain, putahe, sawsawan, kakanin, dessert, at inumin. Talaga namang walang makakatalo sa sarap ng ating mga pagkain at sa napakasarap din nating pagkain bilang isang pamilya. Kamakailan lamang ay kinagiliwan sa social media ang post ng isang netizen na nakilala bilang si Carlos Dave na nagbahagi ng larawan ng napakasarap na putahe ng mga taga-Bicol na “Kinunot” sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.



Narito ang kaniyang naging caption:
“Exotic dish of Bicol Region ‘Kinunot’. Ginataan na Pating, Ginataan na Pagi.
Mas masarap kung maanghang–anghang! Extra rice please.”


Noon pa man ay kilala na ang mga taga-Bicol sa mga pagkaing maaanghang o maraming gata! Talaga namang mapapaextra rice ka sabi pa nga ng iba! Ang “kinunot” ay isang exotic na ulam mula sa Bicol na ang pangunahing sangkap ay karne ng pating o pagi, na sinasamahan din ng maraming sili. Narito naman ang naging komento ng ilang mga netizens sa nakakatakam na pagkaing ito:

“Nakakain na ako niyan. Napakasarap! Lalo na ang pagi.” Pahayag ng isang netizen.


“The best magluto niyan yung nasirang tiyahin namin. Siguro minana ang galing ng mga anak. Pero matagal na akong hindi nakakain nito,” komento naman ng isa.
“Sarap niyan, kaso bawal na kasing magkatay at bumili ng pating at pagi. Gustong–gusto ko ang mga luto ng mga Bikolano lalo na sa gata tapos medyo maanghang, makakalimutan mo na nagda–diet ka pala. Hello po sa mga kababayan na taga Bicol.” Pahayag ng isa pang netizen.



Ang pagluluto ng “kinunot” ay madali lamang. Maaaring maging alternatibo ang ibang isda tulad ng tanigue kung walang karne ng pating o pagi na available. Maghanda din ng luya, bawang, sibuyas, siling pangsigang, siling labuyo, gata, malunggay, suka, asin, tubig, at paminta. Magpakulo lamang ng tubig sa isang kaserola at kapag kumulo na ito ay ilagay na ang luya at karne ng isda sa loob ng sampung minuto. Matapos nito ay palamigin ang isda. Pagkatapos ay tanggalin ang balat at ihiwalay ang karne ng isda at ilagay sa isang lalagyan. Maglagay ng suka, asin, paminta, at bawang.

Sa isang hiwalay na kaserola ay magpainit ng apoy ar ilagay ang sibuyas at kakang gata. Makalipas ang tatlong minuto ay i-drain ang unang iginagayak na kaserola kanina at ilagay na ang isda at kakang gata. Pakuluang muli hanggang matuto ang tubig, ilagay na ang malunggay, siling pangsigang, at unang katas ng gata. Huwag kalimutan na ihain ito kasama ang mainit na kanin.




error: Content is protected !!