Janella Salvador nagbahagi ng isang nakakakilig na mensahe para sa kaniyang on-screen partner sa Instagram!



Tila naging mas malapit sa isa’t-isa sina Janella Salvador at Joshua Garcia matapos nilang maging magkapareha sa katatapos lamang nilang teleserye sa Kapamilya network. Ito ay napansin ng maraming mga netizens lalo na ng kanilang mga tagahanga dahil na rin sa palitan nila ng mga mensahe sa kani-kanilang mga social media accounts.



Sa katunayan ay nito lamang Enero 20 nag muling nagbahagi ang 21 taong gulang na aktres ng kaniyang mensahe para sa kaniyang on-screen partner. Ayon sa dalaga ay malaki ang kaniyang pasasalamat na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang aktor at maging kaibigan ito dahil sa napakaraming mga bagay ang kanilang pinagkakasunduan. Pinuri niya din ito at sinabing napakahusay nitong “leading man” at sadyang napakarami ding talento. Mayroon din itong larawan ng dalawa na kuha mula sa isa sa mga eksena ng pinagsamahan nilang teleserye.


Hindi rin naman nakalimutan ni Janella na pasalamatan ang aktor dahil sa higit pitong mga buwan na naging magkatrabaho sila dahil sa palagi nitong pagpapakain sa dalaga lalo na kapag nasa “set” sila. Mas kinilig din naman ang maraming mga netizens sa naging sagot ng aktor. Nagpasalamat ito at sinabing namimiss na niya ang kanilang mga naging katrabaho sa kanilang teleserye. Pinaalala din naman ng aktor na mag-iingat palagi si Janella at huwag kalilimutang ingatan ang kaniyang sarili. Umaasa din ito na muli pa silang magkakasama sa mga susunod nilang proyekto.


Maaalala na noong ika-12 ng Enero ay nagbahagi din ng larawan sa kaniyang social media account ang aktor kung saan sinabi nito na maswerte siya dahil mayroon siyang isang kaibigan na katulad ni Janella. Talaga namang isa na ang kanilang tambalan sa pinaka-inaabangan at pinakahinahangaang tambalan sa ngayon. Si Janella Maxine Desiderio Salvador o mas kilala ng publiko bilang si Janella Salvador ay 21 taong gulang na aktres, mang-aawit at endorser.


Napanuod na siya noon sa “Be Careful With My Heart”, “Oh My G!”, “Born for You”, “So Connected”. Siya ay umawit na rin para sa Disney at nagwagi ng tatlong mga PMPC Awards.






error: Content is protected !!