Kinaaaliwan ngayon sa social media ang munggo na “6.50 each” ang presyo!



Sa tuwing sasapit ang Biyernes para sa ating mga Pilipino, isa sa pinakapatok at pinakainaabangang ulam sa hapag-kainan ay ang ginisang munggo! Kalimitan na mayroon itong katambal na piniritong isda o di kaya naman ay mayroong hiwalay na chicharon. Madali lamang ang pagluluto nito, ang una ay igigisa ang inihandang bawang, sibuyas, kamatis, at lalagyan din ng iba pang mga sahog tulad ng dahon ng ampalaya, karne ng baboy, tinapa, hipon, o pork chicharon. Kung ihahain mo pa ito kasama ang mainit na kanin, talaga namang solve na solve ang magiging kainan ng buong pamilya.



Ngunit kamakailan lamang ay labis na nawindang ang maraming mga netizens dahil sa larawang ibinahagi ng isa pang netizen na nakilala bilang si AC Subijano. Dahil makikita sa larawan ang presyo ng munggo na “P6.50 each”. Nangangahulugan ito na kada isang piraso ng munggo ay “P6.50” na pala. Labis na kinaaliwan ng mga netizens ang caption sa viral na larawan na nagsasabing:
“Magluluto sana ako ng ginisang munggo, kaya lang baka 10 pieces lang mabili ko… Ano ba ‘tong munggo ninyo, may karne sa loob?” Pahayag ni Sabijano.


Umani ito ng napakaraming mga komenton at reaksyon sa publiko. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

“Hahahaha mas mahal pa sa sili iyang munggo ninyo, panawagan sa DTI paki-korek ang SRP.” Biro ng isang netizen.


“Kapag bumili kayo bawat isang pirasong munggo, itanim ninyo na muna para kapag bumunga iyan, marami na kayong munggo at ibenta ninyo rin ng 6.50 isa,” pahayag naman ng isa.

“Time to explore new ventures! Makapag–open na nga ng mongo business. Kapag ganiyan ang bentahan, tiyak ang mabilis na pagyaman hahahaha.” Komento naman ng isa.




Sa kabilang banda ay marami namang mga netizens ang nakaisip na maaaring nagkamali lamang ng pagkakasulat o pagkakalagay ang may-ari o ang tauhan ng tindahan. Sa ngayon ay makakabili ng isang supot na munggo sa mga tindahan sa halagang sampung piso lamang. Nasa 80 hanggang 90 piso naman ang kilo ng munggo sa pamilihan.




error: Content is protected !!