P500 na halaga ng salapi napulot ng isang netizen ngunit isang flyer lang pala ng kompanyang naghahanap ng trabahador!



Sa panahon natin ngayon, mahirap talaga ang magtrabaho at kumita ng pera. Ang pinaghirapan nating sweldo ay napakadaling maubos pagdating sa gastusin sa bahay o di kaya naman ay sa pang-matrikula ng mga bata. Kung kaya naman kahit gaano pang higpit ng sinturon ang ating gawin ay tila hindi pa rin natin masolusyunan ang problema nating ito. Marahil ay naranasan mo na ding makapulot ng salapi sa daan lalo na sa mga panahong walang wala ka ding pera at kapos na kapos. Minsan ay sineswerte ka pa at nakakapulot ka ng totoong pera ngunit kadalasan ay “play money” lamang pala o minsan naman ay prank lamang ang pera sa kalsada o sa lapag.



Ito rin marahil ang naramdamang pagkadismaya ng isang netizen na tila na-“Wow Mali” dahil sa ang napulot niyang limang daang piso ay hindi pala totoong pera kundi isang flyer mula sa isang kompanya na naghahanap ng mga trabahador. Sino ba naman ang hindi matutuksong pulutin ang P500 halaga ng salapi sa kalye? Katumbas na ito ng higit pa sa isang araw na kita ng marami sa atin. Makakabili na rin ito ng pagkain ng buong pamilya sa loob ng isa o hanggang dalawang araw.




Ang netizen na nakaranas ng “paasa moment” na ito ay walang iba kundi si Adonis Nelmida Curayag. Ibinahagi niya sa social media ang naging karanasan niya sa napulot na perang papel. “Bakit mo pinulot? Alam ko kailangan mo ng pera,” ito ang agad niyang nabasa ng buklatin niya ang napulot na pera. Ang post niyang ito ay kinaaliwan ng maraming mga netizens. Humakot din ito ng 3,400 reactions na karamihan ay mga ‘haha,’ at higit sa 500 comments, at 9,200 shares sa maikling panahon ng pagkakapost nito sa social media.
“Nice marketing strategy. Level up! At ngayon ay viral na sila sa social media. Dapat may bonus kung sinuman ang nag-suggest nito,” Pahayag ng isang netizen na nag-share din ng post ni Curayag.






error: Content is protected !!