Netizen na nakapulot ng bag ng taga-Meralco: “Eh di kayo na pumick-up!”



Maraming mga magulang sa ngayon ang tinuturuan ang kanilang mga anak na maging responsable habang bata pa lamang sila. Ilan na sa mga bagay na ito ay ang pagsasauli ng gamit na hindi naman pag-aari ng kanilang mga anak. Maaaring maliit at simpleng bagay lamang ito sa iilan ngunit malaking bagay pa rin ito kapag natutunan at tumimo sa puso ng mga kabataan natin ngayon. Marahil ay marami din sa atin ngayon ang napapa-isip kung nararapat nga ba na bigyang ng gantimpala o pabuya ang isang taong nagsauli ng napulot niyang bagay pabalik sa may-ari nito o ito ay obligasyong panlipunan lamang kung saan maipapakita ng isang tao ang magandang asal na kaniyang natutunan mula sa kaniyang mga magulang?



Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Ritche Carreon ang naging karanasan niya nang makapulot siya ng isang bag na punong puno ng mga electric bill ng Meralco. Ayon sa kaniyang pagkukuwento, ikinakala niyang pera ang nasa loob ng malaking bag na kaniyang napulot ngunit ng tingnan niya ito ay mga electric bills pala ng Meralco! Ito ang naging caption niya sa kaniyang viral post:
“Kakatawa. Meralco Convo. Naiwang bag sa harap ng shop akala ko jackpot na hahaha, Meralco bills pala ng Muntinlupa,” pagbabahagi ng netizen. Ibinahagi rin nito ang conversation thread nila ng taga–Meralco sa pamamagitan ng “Facebook messenger”.


Ayon sa ibinahagi niyang conversation thread ay natagpuan niya ang isang bag na puno ng mga bills ng kuryente. Itinanong din ng netizen kung may pabuya ba ang pagsasauli niya nito ngunit agad namang sinagot ng kaniyang kausap na maaari niyang dalhin ang kaniyang napulot na bag sa “Business Center” ng Meralco at nilinaw din nito na walang gantimpalang matatanggap ang netizen sa kaniyang gagawing pagsasauli. Tila nadismaya ang netizen dahil sa kung tutuusin ay naging kapabayaan naman talaga ito ng kanilang manggagawa, magiging abala din ito sa kaniya kung sakaling siya mismo ang personal na magdadala nito sa kanilang tanggapan lalo na kung kailangang-kailangan din naman talaga ng kompanyang makuha ang lamang ng nasabing bag dahil sa ito ay ipamamahagi pa nila sa kanilang mga consumer. Sari-sari ang naging reaksyon ng mga netizen sa viral post na ito.


Source: Facebook User RItche Fabella Carreon




error: Content is protected !!