Tikob Lake, Isa Nga Bang Kaldera Ng Patay Na Bulkan?



Hanggang sa araw na ito ay pinapakiramdaman pa din natin ang tunay na estado ng Taal Volcano na syang pumutok kamakailan, January 12. Ang pangyayaring ito ang nagbukas sa kaisipan sa marami sa atin upang balikan kung ano ang dating Katimugang Luzon, ang tinatawag na CALABARZON.

Credit: Michael Gabriel Sumastre



Memories of Old Manila

Isang post mula sa netizen na si Jojo Barrantes sa isang Facebook page na Memories of Old Manila ang nakapagpa-alala sa maraming netizen kung ano ang itsura ng Tikob Lake na matatagpuan sa Tiaong, Quezon noon. Ayon sa netizen ay marami ang nagsasabi na isa umano itong kaldera ng patay na bulkan.


Sa lumang larawan ay naipapakita kung tahimik at payapang kaldera ng patay na bulkan. Ang tubig sa lawa ay asul at napaliligiran ng berdeng parang. Puno pa ang paigid nito ng mga nagtataasang puno. Sa ngayon, marami na ang nakatayong mga bahay sa paligid ng lawa.

Sink hole o himbing na bulkan?


Ayon sa ibang netizens, tila isang sinkhole ito na syang maaaring lagusan sa kung saan mang mundo. Ayon nman sa iba, tila ay isa itong inactive volcano ngunit posibleng magkataon na sumabog ito sakaling magising na ito mula sa mahaba at mahimbing na pagkakahimlay. Given na din umano ang mga bagay na ito dahil ang ating bansa ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire kaya naman ay madalas ang mga kalamidad sa ating lugar. Dagdag pa rito, kaya naman ay madami ang bulkan sa ating bansa.

Ayon pa sa ibang netizens, ilan lamang umano ang Tikob lake sa maraming kaldera sa prteng Laguna at Quezon na syang eksplanasyon kung bakit tipikal ang hotspring sa nasabing mga lugar.



Source: Wikipedia, Facebook Group Memories of Old Manila




error: Content is protected !!