Isang 86-anyos na retiradong doktor nagkusang tumulong sa mga taong apektado ng “Wuhan outbreak” sa kabila ng kaniyang edad!



Isang matandang doktor na naka-wheel chair edad 86 taong gulang ang itinatanghal ngayon bilang isang bayani matapos nitong isantabi ang kaniyang pagreretiro upang tumulong sa mga pasyenteng naapektuhan ng “Wuhan outbreak”. Sa kabila ng hirap nito sa paglalakad at pagtayo ay wala pa ring nakapigil kay Professor Dong na bumalik sa Wuhan Children’s Hospital kung saan siya nagsilbi bilang isang pediatrician ng ilang mga dekada. Batid niya ang matinding hirap ng mga doktor para lamang sa kaligtasan ng mga pasyente nito bata man o matanda dahil sa nasabing outbreak.



Maraming mga tao ang naapektuhan ng nasabing outbreak partikular na sa Wuhan. Ngunit mas mahirap din ang sitwasyon ng mga bata sa ospital at maging ng mga staff ng ospital. Bukod sa walang pahinga ang maraming mga staff ay kulang na rin sa mga higaan ang mga pasyente. Dahil sa batid ng matandang doktor ang hirap at sakripisyo ng maraming tao sa kanilang ospital ay nagkusa na itong tumulong. Nakasakay siya “wheelchair” habang ginagawa niya ang kaniyang mga rounds. Bukod pa rito ay mayroon din siyang mga ginagawang konsultasyon para sa mga pasyente na “walk-in” sa nasabing ospital.

Sa edad niya ay mas malaki ang tyansa na mahawa siya o kapitan ng sakit ngunit hindi ito alintana ng retiradong doktor. Mula nang lumaganap ang nasabing sakit ay mayroon na siyang nagiging mga pasyente na 30 mga katao ang bilang pataas mula nang mag-shut down ang Wuhan noong Huwebes, Enero 23. Talaga namang nakakabahala ang mga ganitong balita sa panahon natin ngayon. Ngunit nakakatuwa pa ring malaman na mayroong mga mabubuting tao na handang tumulong sa kaniyang kapwa na nangangailangan kahit pa ang iba ay mayroon nang edad at medyo hirap na rin sa kanilang pagtayo o pagkilos.


Nawa ay maging maayos na rin ang kalagayan ng mga taong apektado sa Tsina ng nasabing outbreak. Patuloy na nanalig ang marami at walang sawang nanalangin para sa ikabubuti at ikaayos ng maraming mga tao na mayroong kinakaharap na pagsubok sa buhay, kalamidad man ito, sakuna o epidemya.





error: Content is protected !!