Isang turista hinanap ang lalaki na gumabay sa kaniya noon sa pamamasyal niya sa bulkang Taal at inabutan ito ng tulong!



Tunay nga na naging mahirap ang naging kalagayan ng mga taong apektado ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas. Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa rin silang bumabangon at nagdarasal na matapos na ang kanilang paghihirap lalo na ng mga taong may kapansanan, buntis, mga may edad at lalo na ang mga kabataan.



Napakarami nang nagpaabot ng tulong sa mga taong naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal. Mayroong mga pribadong organisasyon, mga lokal na ahensya ng pamahalaan, mga kilala g artista at personalidad, at maging mga simpleng mamamayan lamang. Katulad na lamang ni Zeth Gut’z Mendoza na nagtungo sa a bulkang Taal noon pang Mayo 2014. Diumano ay sumakay raw siya ng isang kabayo at sinamahan ng tagapag-bantay nito.


Labis ang naging paghanga ni Zeth sa dedikasyon ng bata sa kaniyang trabaho. Diumano ay malaki ang utang na loob nito sa bata dahil sa mas prayoridad nito ang kaniyang kaligtasan habang nakasakay siya sa kabayo at hindi na alintana pa ang paglalakad nito ng nakayapak lamanh paakyat at pababa sa matarik na bundok. Ibinigay ni Zeth ang kanyang relo sa binata at sinabi niya na kahit ano ang mangyari at kahit pa masira na ito ay huwag na huwag niyang iwawala.


Dahil nga sa nangyari na ito ay napagdesisyunan niyang tulungan ang bata sa larawan sa abot ng kaniyang makakaya. Narito ang naging pahayag ni Zeth sa kaniyang post. “Alam kong kailangan ng family niya ng tulong ko sa paraang kaya ko po. Sa mga taga Pulo sana maiparating ito sa kanya at i-PM niyo po ako.”


Dahil dito ay marami ang mga tumugon sa kanyang panawagan at nagbigay ng impormasyon. Hindi naman nagtagal at nalaman niyang ang hinahanap niya pala ay nasa “Inusloban evacuation center”. Ang bata sa larawan ay nagngangalang Allan. Sinikap ni Zeth na matagpuan at makita si Allan at nang mangyari nga iyon ay isang masayang litrato ang ibinahagi niya sa sa kaniyang social media account kung saan kasama ni Allan ang kanyang asawa at babaeng anak.






error: Content is protected !!